Chapter 23 The Escapade part 2

83 4 3
                                    

Chapter 23

[Clarence's POV]

Kinahapunan naman saktong hindi na ganon katindi ang sikat ng araw kaya niyaya ko na silang mag swimming sa dagat. Sabay sabay naman kaming nag change outfit nila Edz kasama yung dalawang girls. Nagsuot sya ng two-piece na bathing suit na pinatungan nya ng knitted na top. Saka sya nag suot ng sexy shorts. Kahit sina Iris at Airo hindi rin naiwasan na humanga sa kanya.

"O gurl ba't nag shorts ka pa? Seksi ka naman! Keri na yung naka bathing suit ka lang." Sambit ko naman sa kanya.

"Hindi ko keri gurl! Hindi ko kering magpaka daring hahaha." Tugon naman nya.

 Tiyak na agaw eksena ang looks ni Edz. Paano nga naman lalong lumutang yung kaseksihan nya dahil sa outfit nya. Madalas kasi nakikita namin sya naka school uniform and naka outside dress lang pag lumalabas.  Siguradong maglalaway ang mga kalalakihan sa sisteret namin lalo na si Francis sa isip ko naman.

Paglabas  namin sa bahay hindi nga ako nagkamali. Paglapit namin sa mga boys lahat sila nakatitig naman sa amin kasama nila sina Pareng Che at si Ronnie. For sure hindi kami ang tinititigan ng mga ungas na to kundi ang sisteret naman na si Edz. Napatingin naman ako kay Francis, halos lumuwa na yung mga mata nito sa pagkakatitig kay Edz. Lumapit naman ako sa kanya sabay  hawak sa baba nya "Sarado mo yan baka pasukan ng langaw! Biro ko naman sa kanya. Nagtawanan naman silang lahat.

Pagpunta namin sa dagat nagtopless naman yung mga boys. Ayan umuulan ng abs hahaha. Dahil bukod sa amin may mga bakasyonista rin na nakastay sa resort na malapit lang sa lugar namin. Ang ending tuloy napapalunok na lang ako sa ganda ng mga nasisilayan ng aking mga mata hahaha.

Enjoy naman kami sa mga pinaggagawa namin, nariyan na tinabunan namin ng buhangin ang mga boys na ulo lang ang nakalitaw kasama si Che then kinuhanan namin sila ng pictures, nariyan din na naghaharutan lang kami sa dagat. Parang engot lang na naghahabulan. Ito namang si Francis umiimbestigador lang ang peg "Hindi kita tatantanan" ang eksena nya kay Edz. Bigla ko tuloy naramdaman ang pag ka O.P. Wala na kung nagawa kung hindi hayaan silang mag moment. Akma naman akong paahon ng dagat ng tawagin ako ni Edz."Gurl san ka pupunta?

"Hindi ka na ba maliligo? Segunda naman ni Francis

"Hindi kukunin ko lang yung camera para ma pictsuran ko kayo." Palusot ko naman.

Habang kinukuhanan ko naman ang lahat kitang kita naman sa lente ng camera yung chemistry nung dalawa. Para talaga silang mag jowa. Ilang saglit naman nakapatong na yung mga girls sa balikat ng mga guys. Si Iris kay Mart then si Airo ang kapartner ni Abel samantalang si Edz at Francis naman ay abala sa paglangoy. Habang si Ronnie naman at Che ay nanunuod lang sa kanila.

Habang pinagmamasdan ko yung dalawa bigla tuloy akong nakaramdam ng lungkot. Hindi ko alam pero I know I should be happy for them but why do I feel differently. Ba't parang ouchie! Maya maya lang tumatawag ang mga adik.

"Gurl sali ka dito! Bubuhatin ka daw ni Che!" Sigaw naman ni Abel.

"Loko loko! Haha" Tugon ko naman.

"Clarence tara! Dagdag naman ni Francis. Hindi naman ako kumibo pinagmasdan ko lang sya sabay talikod. Nagtungo naman ako sa may ilalim ng puno kung saan nakalagay yung mga gamit namin at isa isa kong chinicheck yung mga kuha kong litrato. Ilang saglit naman lumapit sa akin si Ronnie.

"Oh anong ginagawa mo dyan? Tingnan mo ang saya ng mga kaibigan mo, ba't nag sosolo ka dyan? Bungad naman nya.

"Chinicheck ko lang yung mga kuha kong litrato." Tugon ko naman.

"Pwede bang makita? Tanong naman nya.

"Sure" Sabay abot sa DSLR camera.

"Ang ganda ng mga kuha mo ah." Puri naman nya.

Beki and the Beasts (Completed)Where stories live. Discover now