PART 9

100 6 0
                                    

(PART 9)

R O M E L ' S P . O . V

*RRRRNNIIIIIIIINNNGGGGG!!!*

As usual, iyan ang G na G as in gigil na gigil na pagtunog ng alarm clock ko. Humikab ako at saka nag-unat ng katawan. Antok na antok pa talaga ako. Yes, even at age of 30? Ang paggising pa rin talaga sa umaga ang weakness ko.

"Daddy! Daddy! Wake up!" niyuyugyog ako ng anak ko, dahil ito na naman ako sa, "5 minutes," more ko.

"Male-late kana po sa work!" Oh, 'di ba? Daig pa ako ng anak ko sa paggising sa umaga. Well, I smiled at him. Hinila ko siya at pinaghahalikan sa leeg at pisngi nito.

"HAHAHA Daddy! Stop! HAHA Dad, I said, stop!!" Nakikiliti kasi siya dahil sa mga begote ko na unti-unti na namang tumutubo. "Hindi ka pa po nagtu-toothbrush, e!"

Natawa naman ako. Bihis na bihis na kasi siya at naghihintay na lang sa school bus nito. Samantalang ako.. Heto at babangon pa lang sa higaan. Sakto naman na may narinig kaming nag-beep na sasakyan, at ang ibig sabihin lang niyon ay dumating na ang service nito. "Daddy, I gotta go!"

"Okay.." sabi ko at saka muli kong ki-ni-ss-an ang pisngi niya. Binuhat ko siya hanggang sa tuluyan kaming makababa. Kaagad namang lumapit sa amin ang mommy niya at isinuot sa kanya ang bag.

"Good morning Honey, your breakfast is ready," nakangiting bati naman sa akin ng asawa ko at hinalikan niya muna ako sa pisngi bago niya inasikaso ang aming anak.

Mataman ko namang pinagmasdan ang mag-ina ko habang hinahatid ni Rose ang aming anak papunta sa school bus nito. Tumingala ako at ngumiti. "Thank God for my family."

* * * *

Mula sa tunog ng alarm clock ko kanina ay ang malakas na tunog naman ngayon ng sirena ng fire truck ang maririnig mo. Patungo kami ngayon sa sunog na nangyayari sa Barangay 364 Tondo Maynila.

Crowded ang lugar ng Tondo, na pinuntahan namin. Isa kasi iyong slam area na may daan-daang residente. Ngunit iisa lang ang entrance at exit na pwede mong daanan. Kaya naman ay pahirapan talaga ang aming operasyon.

Bumaba na ako sa fire truck. Napapalunok ako ng laway habang pinagmamasdan ang dambuhalang apoy na lumalamon ngayon sa halos lahat ng kabahayan sa lugar. Na-observed ko ang mga tao na nagpapanic. Kahit ano pang gawin nilang pag-igib sa mga kani-kanyang timba na dala-dala ng mga ito. Ay alam kong wala pa rin itong magagawa para apulahin ang apoy.

"Hayop kaaaa!" pagkarinig ko niyon ay agad na natumba ako dahil sa lakas nang pagkakasapak sa mukha ko ng isang lalaking residente.

"Kung dumating lang sana kayo kaagad! Ay hindi sana masusunog ang lahat ng mga bahay namin?!" nanggagalaiting sigaw ulit nito. Pinipigilan siya ng mga kapit-bahay nito, dahil may balak ulit siyang sugurin ako.

Ipinilig ko naman ang ulo ko dahil sa hilo dala nang pagkakasapak niya sa akin. Dumura muna ako bago nagsalita dahil may nalalasahan na akong dugo sa bibig ko. "Patawad po sa inyo. Pero gagawin namin ang lahat upang mapatay na ang apoy na ito."

Tinapik naman ako ng kasama kong si Gavin at nagsignal na siya para magbomba ng tubig. Nakuha naman ng atensiyon ko ang isang dalagita na nagpaalam sa nanay nito. "Nay, kailangan kong bumalik sa bahay! Kailangan kong makuha ang documents na iyon!"

"Ano?! Hindi! Hayaan mo na ang documents na iyon. Ang importante ay ligtas tayo," giit naman ng nanay niya.

"Pero 'Nay! Hindi mo naiintindihan kung gaano kaimportante ang documents na iyon. Doon nakasalalay ang carrer ko!" pagmamatigas pa ng babae.

Lalapit na sana ako para hilahin ang babaing iyon at ipaintindi sa kanya na malaking kahibangan ang naiisip niya. "I'm sorry 'Nay! Don't worry, babalik ako kaagd." At kaagad na siyang tumakbo papasok muli sa lugar nila. At dahil sa halos lahat ng mga tao sa paligid ay abala sa mga kani-kaniyang ginagawa. Ay wala tuloy nakapansin at nakapigil doon sa babae na mapangahas na sumugod sa sunog.

ANG BUMBERO (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin