PART 7

125 9 0
                                    

(PART 7)

R O M E L ' S P . O . V

Hindi ko alam kung deserve ko ba itong mga sobra-sobrang pagpapalang natatamo ko ngayon. Kulang ang mga salitang 'Sobra-sobra' upang ma-describe ko, kung gaano ako kasaya habang pinagmamasdan ang aking bride habang suot nito ang napakagandang damit na pinapangarap masuot ng lahat ng mga babae. Hindi naaalis ang mga ngiti at titig niya sa akin habang patuloy siyang naglalakad papalapit sa altar kung saan ko siya hinihintay.

Ako naman, ay nakapamulsa at parang relax na relax lang kung titingnan.. Pero sa totoo lang ay kanina pa nag-uumapaw sa dibdib ko ang magkahalong kaba at excitement. Todo ngiti din ako habang ang mga tropa kong mga bumbero ay panay ang kantiyaw sa akin. HAHAHA mga kupal talaga.. Pero seryoso, mukha man silang mga loko-loko ay sobra pa rin akong nagpapasalamat sa mga iyan. Dahil kung hindi dahil sa kanila ay wala ring kasalan ang magaganap ngayon.

Two weeks ago, ay sinorpresa nila ako dahil lahat pala sila sa fire department ay nag-ambag-ambagan para sa nalalapit kong kasal, kabilang na doon si Sir Colton. Bagama't may injury pa ito dahil sa sunog ay nandidito siya ngayon at nakikigalak sa napaka-espesyal na araw sa buhay ko at sa magiging kabiyak ko.

"As your hearts are joined together in love, will you please join your right hands." Sa sinabing iyon ng Pastor na magkakasal sa amin, ay magkasabay naming itinaas ni Rose ang aming kanang kamay upang sabay na mangako sa harapan ng Diyos nang aming wagas at dalisay na pag iibigan. Kaagad kong ni-ready ang sarili ko para sa itatanong ng Pastor sa akin. "Romel, do you solemnly promise before God and these witnesses, that you will love your bride Rose, respect her, and honor her, all the days of your life?"

Nanunuyo ang lalamunan ko sa kaba.. Kaya napalunok muna ako ng aking laway bago sumagot ng 'I do,' habang ang mga mata ko ay hindi inaalis ang tingin sa mga mata ng aking mapapangasawa.

"Bride, do you solemnly promise before God and these witnesses that you will love your groom, Romel. Respect him, comport him, and honor him, all the days of your life?" muli ring tanong ng Pastor kay Rose.

"Yes, Pastor.. I do," tugon niya na may matatamis na ngiti. Pagkatapos ay sinuot na naming dalawa sa isa't-isa ang singsing na sumisimbolo nang aming pagsasama habang buhay.

R O S E ' P . O . V

Kagaya ng mga tanong nila ay marahil na natanong niyo rin.. bakit sa lahat-lahat ng mga lalaki sa buong mundo.. Si Romel ang pinili kong mahalin?

Hindi man halata pero marami ng mga lalaking nagdaan sa buhay ko. At sa lahat ng mga lalaking iyon, tanging si Romel lang ang bukod tanging nagustuhan ng nanay ko. Noong una ay akala ko dahil lang sa iniligtas niya ako sa sunog.. Pero napagtanto ko na sa lahat ng mga nanligaw sa aking lalaki.. Tanging si Romel lang ang nagkaroon nang lakas ng loob na ipakita kung sino siya at kung ano ang totoong nararamdaman niya para sa akin, sa harap ng nanay ko. Nasaksihan ko rin kung paano muna siya humingi nang permiso sa magulang ko bago niya ako ligawan. At higit sa lahat ay siya yung tipo ng lalaking inuuna muna ang kapakanan ng iba bago ang sarili niya. Ibang klase diba?

Kung tatanungin mo naman ako kung nagsisisi ba ako na siya ang pinakasalan ko? Ang sagot ko ay hindi. At kung bibigyan pa ulit ako ng isa pang buhay. Sa buhay na iyon ay siya at siya pa rin ang pipiliin kong mahalin at makasama sa habang buhay.

[MUSIC: (UNA'T HUING PAG IBIG)

Ikaw ang una't huling
Pag-ibig ng buhay ko
Kaytagal mang naghintay
Nandito kana aking habang-buhay

Sinlinaw ng langit na bughaw
Hanggang sa dulo ako at ikaw
Iginuhit na ng tadhana
Na tayong dalawa ay maging isa

Ikaw ang una't huling
Mamahalin ko ng ganto
Nais kong malaman mo
Dati pangarap lang ito

ANG BUMBERO (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें