PART 8

114 9 2
                                    

(PART 8)

R O M E L ' S P . O . V


Hindi ko maiwasang mapamura, habang walang tigil pa rin ang mabilis na pagpapaharurot ko sa minamaneho kong motor. Habang iniiwasan ang mga nagsisibagsakan na mga lava na nangagagaling sa bunganga ng bulkan. Kitang-kita ko sa magkabilaang salamin ng motor na minamaneho ko ang kasalukuyang nangyayari sa lugar na nililisan namin.

Takot na takot at nagsisitakbuhan ang mga tao. May mga ilan namang hindi na pinalad na makaiwas sa mga naglalaglagang nagliliyab na bato, at sila'y mga nakahandusay na at tila wala ng mga buhay. Ang ibang mga sasakyan naman ay nagsisimula na ring magliyab dahil sa pag ulan ng apoy. Nakita ko pa kung paano huminto ang nagliliyab na sasakyan sa gitna ng kalsada at nagsitakbuhan palabas ang mga taong laman nito bago ito tuluyang sumabog. Totoo palang pwedeng umulan ng apoy, sa oras na magalit ang kalikasan.

Nilingon ko naman ang asawa ko na nakayakap pa rin sa akin nang mahigpit. Umiiyak na siya sa sobrang takot. "It's all gonna be alright, honey. Please, don't be scared.. Nandito lang ako."

Ngunit bigla akong napahinto, dahilan nang kamuntikan na naming pagdausdos. Dahil sa biglang yumanig ng malakas ang lupa.

"Honey.." tawag pa sa akin ng asawa ko, pero hindi ko na siya nagawa pang sagutin, nang biglang bumuka ang lupa sa aming kinatutuntungan. Hindi namin inaasahan iyon kaya naman ay nahulog kami.  Tuluyang nalalag na sa kailaliman ng lupa ang motor na naging resulta ng pagsabog nito.

Mabuti na lang at mabilis na napakapit ako sa nakausling bakal sa bumukang lupa, kaya ay hindi kami tuluyang nagdire-diretso sa pagkahulog. Hawak naman ng kabila ko pang kamay ang braso ng asawa ko. At naramdaman ko na may malamig na likido ang gumagapang sa braso ko. Nang tiningnan ko kung ano ito ay doon ko lang nakita na sariling dugo ko pala iyon. Nasugatan na pala ako dahil sa basag na salamin na nakabaon din sa lupa.

Unti-unti namang pumapatak ang ulan na mas lalo pang nagpahirap sa sitwasyon namin ngayon. Dahil sa pag ulan ay dumudulas tuloy sa kamay ko ang braso ng asawa ko.

"Honeyy.. kumapit ka sa akin!" hirap na hirap kong sigaw. Namimilipit na kasi ako dahil sa sakit ng pagkakabaon ng bubog sa kamay ko. Idagdag pa 'yung bigat ng asawa ko.

"Honey.. Siguro hindi tayo ang para sa isa't-isa," ang nasabi niya na nagpabigla din sa akin.

"H-honey. Ano ba 'yang pinagsasabi mo?! Kumapit ka sa akin!" Ngunit umiling-iling lang siya.

"Bitawan mo na ako, Honey. Sige na. Iligtas mo na lang ang sarili mo. Kailangan ka pa ng mundo.." Nararamdaman ko naman na mas lalo pa siyang bumibigat, kaya mas lalong dumudulas ang kamay ko na nakakapit sa braso niya.

"Honey.. please. Don't! Nangako tayo sa Diyos na in death and in life. Do us part!" Ngumiti lang siya sa sinabi kong iyon, kasabay ng pag agos ng mga luha niya. Umuulan man pero nangingibabaw pa rin sa mga mata niya ang kanyang mga luha, kaysa sa tubig ulan na patuloy na pumapatak sa mukha niya.

[MUSIC: (I CANT MAKE YOU LOVE ME)

Turn down the lights
Turn down the bed
Turn down these voices inside my head
Lay down with me
Tell me no lies
Just hold me close
Don't patronize
Don't patronize me

'Cause I can't make you love me if you don't
You can't make your heart feel something it won't
Here in the dark in these final hours
I will lay down my heart and I'll feel the power
But you won't, no you won't
'Cause I can't make you love me if you don't]

"Sir, Romel!" Napatingala naman ako sa sumigaw na iyon. "Huwag kayong mag alala. Dahil ililigtas na namin kayo" Si Malcomb iyon na may dalang mahaba at makapal na lubid.

ANG BUMBERO (COMPLETED)Where stories live. Discover now