PART 3

349 9 0
                                    

(PART 3)

R O M E L ' S P . O . V

Ang training na pagdadaanan mo bago maging isang ganap na bumbero ay masasabi kong mahirap, pero masarap. Masarap-kasi alam mong buhay ng napakaraming tao ang pwede mong maisalba, kaya kahit napakahirap pa ng training na ginagawa mo ay inspirado ka pa rin na lampasan ito. Hindi mo gugustuhing sumuko dahil kapag sumuko ka, maaring kapalit nito ay buhay ng maraming inosenteng tao na umaasa sa'yo na hindi mo naligtas, dahil lang sa naging duwag ka.

Pero ang maganda naman sa training na ginagawa namin. Ay, hindi mo ito gagawing mag isa. Dahil bilang bombero; napakahalaga sa amin ang salitang 'team work'. Kumpol-kumpol kami habang sama-sama naming binubuhat ang napakalaking gulong.. At kapag nakarating na kami sa dulo na dapat naming puntahan, ay saka kami isa-isang gugulong, bilang pang depensa, kapag nasa actual na sunog kana at kailangan mong kaagad na lumisan sa delikadong lugar na kinaroroonan mo.

Pagkatapos nito ay tatakpan naman ng panyo ang mga mata namin saka kami gagapang at kailangang nasa tamang lugar ang paggagapangan namin. Minsan pa ay patatakbuhin kami at dahil sa nakapiring ang aming mga mata ay hindi maiiwasang madapa ka at bahala na kung saan ka lalagapak. Napakahalagang matutunan ang kumilos kahit wala ka nang nakikita.. Dahil sa actual na sunog ay mangyayari at mangyayari iyon sa iyo, na wala kang makita dahil sa kapal ng usok.

Ilan lang iyan sa mga training na ginagawa namin araw araw. Kaya sa lahat ng mga bumberong pilipino at sa buong mundo. Saludo ako sa inyo!

* * * *

"How are you?" tanong ko sa 'ka-date' kong si Rose habang sinasalinan ko siya ng red wine. It's been a month mula nang mamatay ang nanay niya. Sa ngayon ay nakatira na siya sa tita niya na hindi naman kalayuan sa lugar na tinitirahan ko.

"Well.. Masakit pa rin. Pero kung pipiliin ko pa rin ang masaktan sa kabila nang batid kong hindi na siya babalik pa. Alam kong.. Ikalulungkot iyon ni Inay. Kaya ito, pinipilit ko ulit na maging masaya." At saka siya tumawa nang mapakla ngunit tumulo din ang mga luha sa kanyang mga pisngi. "Ahh sorry," sabi pa niya at kumuha siya ng tissue para punasan ang luha niya.

Hinawakan ko naman ang kamay niya, kaya napatingin siya sa aking mga mata. Mataman ko naman siyang tinitigan na may assurance na hindi siya nag iisa. "Nandito ako na handang pasayahin ka. I may not can replace your good memories with your Nanay. But you can have a new memories with me," may pa english ko pang sabi. Na-impluwensyahan kasi ako sa pagiging englishero ni Sir Colton, e.

Hindi naman siya nakapagsalita at mabilis niyang kinuha ang wine glass sa tapat niya at ininom ito.

She look pressured kaya nasabi ko.. "No, I mean, Hindi naman sa tini-take advantage ko ang pagluluksa mo. Pero alam mo naman 'di ba.. una pa lang kitang nakilala ay binuksan ko na kaagad ang puso ko sa'yo. At ipinakita na ikaw talaga ang nilalaman nito." Tinuro ko pa ang dibdib ko kung saan naka-locate ang aking puso.

Hindi ko naman maintindihan ang galaw ng mga mata niya. Naroong titingin siya sa akin, pero hindi rin siya nagtatagal sa titig ko sa kanya, kaya ay tumutungo siya at inaayos niya ang bangs niya.

"O-okay lang.." sabi niya. Kaya upang matago ko naman ang nararamdamang kilig ay kaagad na sinubo ko ang malaki ang pork steak sa plato ko na ikinangiti niya.

[MUSIC: There's a calm surrender
To the rush of day
When the heat of a rolling wind
Can be turned away
An enchanted moment
And it sees me through
It's enough for this restless warrior
Just to be with you

And can you feel the love tonight?
It is where we are
It's enough for this wide-eyed wanderer
That we got this far
And can you feel the love tonight
How it's laid to rest?
It's enough to make kings and vagabonds

ANG BUMBERO (COMPLETED)Where stories live. Discover now