PART 2

629 11 0
                                    

(PART 2)

R O S E ' P . O . V

After I recieved the call-an invitation for a morning TV talk show in Sydney Australia, ay hindi ko naman iyon tinanggihan. Agad akong nag-booked ng 2 airplane tickets para sa aming dalawa ng anak ko, dahil ayaw kong ipagdamot sa mundo ang kabayanihang ginawa ng aking asawa..

"That was so amazing!" malaki ang ngiting pagbibigay komento ni Sylvia, na siyang host sa TV show na pinag guess-an ko dito sa Sydney Australlia. Medyo naiilang man ako sa dami ng mga taong nanood at hindi ako sanay sa dami ng mga kamerang nakatutok sa amin, ay nagagawa ko namang panatilihin ang mga ngiti ko, na siyang nagtatago sa matinding kaba na nararamdaman ko ngayon.

"Yeah, I agree to you Sylvia. And I have to admit, that the beggining of your love story is one of the best intro I've ever heard!" pagsasang-ayon din ni David na isa din sa mga host ng TV show.

Sinimulan ko na kasing i-kwento sa kanila kung papaano kami nagkakilala ni Romel. Hindi ko malilimutan ang araw na iyon, dahil iyon ang araw na akala ko ay katapusan ko na. Akala ko lang pala iyon.. dahil hindi pala iyon ang katapusan, kundi iyon pala ang simula nang isang panibagong yugto ng aking buhay.

Para akong nabunutan ng malaking tinik sa aking dibdib nang magising ako sa tawanan ng nanay ko at ng isang pamilyar na lalaki. Nang iminulat ko ang mga mata ko ay hindi nga ako nagkamali. Siya 'yung lalaking nagligtas sa akin sa sunog..

R O M E L ' S  P . O . V

Hindi naman ako nagtagal sa loob ng ospital. Dahil mga minor injuries lang naman ang natamo ko sa sunog. Ang maganda pa dito, ay wala din pala akong babayaran sa bill ng hospital dahil may nagbayad na daw. Iyon nga lang, ang misteryosong lalaking nagbayad ng aking bill sa Hospital ay hindi nila kilala dahil hindi na daw ito nagpakilala pa.

Napapapalatak na lang ako nang wala ng nakatayong bahay pa akong naabutan sa inuupahan ko. Kundi mga tanging uling na lang na nagpapatunay sa trahedya na nangyari sa lugar na ito. At sa paghahalughog ko pa sa mga nasunog na kahoy ng bahay ko. Ay nakita ko naman ang kabinet ko na hindi gaanong natupok ng apoy. At nung buksan ko ito ay nakahinga ako nang maluwag nang makita ko ang box na metal na pinaglalagyan ko ng aking mga pera at ilang mga alahas na pamana pa sa akin ng mga magulang ko bago sila namatay. Siguro sapat na ito upang makapagsimulang muli.

Napalingon naman ako nang may mag clear troat sa likuran ko. "Pasensya na.. nagulat yata kita." Napakunot naman ang nuo ko ng aking tingnan ang isang lalaking may katandaan na. Pero halata pa rin sa kakisigan ng katawan nito na siya'y malakas pa.

"Anyway, I'm Colton!" pagpapakilala pa nito at inilahad niya ang kamay niya sa akin. Tinanggap ko naman iyon at nakipag-shake hands sa kanya.

"Romel, brad!"

"Colton," ulit pa nito sa pangalan niya. "Colton De Leon." Napanganga naman ako. Inaakala ba niya na 'Brad' ang apelyido ko? Nevermind!

"Ahh.. ahm.. Kung bakit nga pala ako nandito ay upang kamustahin ka.," dagdag pa niya. Ha? Magkakilala ba kami? Nag-cross arms siya at saka nagpatuloy sa pagsasalita. "So, paano ba 'yan? Mukhang hindi na mapapakinabangan pa itong bahay mo. Saan ka na ngayon titira niyan?" Habang pinagmamasdan ko siya ay parang nakikita ko sa kanya ang holliwood actor na si Robert Downey Jr. Dahil sa suot nitong black sun glasses.

"Bahala na.. Kahit saan.." Pero ang totoo niyan.. Hindi ko talaga alam.

Inakbayan naman niya ako at saka siya may ibinulong.. "kung gusto mo.. Tumira ka muna sa apartment ko."

"Magkakilala ba tayo?"

"Magiging magkakilala pa lang.. I check your back ground. Isa ka pa lang barangay tanod." Napatango-tango naman ako sa sinabi niya. Sa tingin ko din naman sa kanya ay mukha naman siyang mabuting tao. "At kaya kita gustong tulungan ay dahil natutuwa akong malaman na isa kang mabuting tao at may pusong maglingkod sa bayan."

ANG BUMBERO (COMPLETED)Where stories live. Discover now