CHAPTER 14: TORN

10 1 0
                                    

Chapter 14: Torn

Hindi lang basta mayaman ang pamilya ni Vanessa. Sobrang yaman.

Dati pa man ay naghihinala na ako sa pagkatao niya. Ilang beses siyang nagpahiwatig na hindi siya basta bastang tao at hindi ako makapaniwalang binaliwala ko iyon!

Fuck.

Wala naman akong pakialam sa kayamanan nila. Hindi lang ako makapaniwalang nagkaroon kami ng koneksyon ni Vanessa.

Hinilot ko ang sentido ko at dahan dahang sumandal sa kinauupuan ko.

Pero sandali lamang iyon dahil muli akong bumalik sa ginagawa ko kanina.

Nagscroll pa ako sa mga articles na tungkol sa pamilya nila at ilang mga interviews ng mga sikat na columnists.

Tatlo silang magkakapatid. Lalaki ang panganay, mayroon rare na sakit sa puso at namatay 3 years ago. Sumunod ay si Victoria na ngayon ay asawa ng isa sa mga anak na lalaki ng nag mamay ari ng isa ring malaking kompanya.

Hindi ko mapigilang mapanganga habang binabasa ang mga iyon.

Private silang tao at nag-aallow lang ng kakaonting impormasyon tungkol sa pamilya nila dahil kailangan sa dami ng buildings at malls na pagmamay-ari nila.

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa hanggang sa mapadpad ako sa isang articles na nagsasabing ang bunso raw ay hindi kailan man nakita sa mga nadaluhang malalaking party.

Ang dahilan raw ay ang pagiging misteryosa  at...

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, pinaulit ulit basahin ang isa pang impormasyon na nakita ko tungkol kay Vanessa.

Alessia Vanessa Limtuaco is a rape victim.

Naramdaman ko ang panunubig ng mga mata ko. Hindi  makapaniwala sa nabasa ko.

Wala siya sa kahit na anong litrato ng pamilya niya. Mayroong isa subalit nakablur iyon dahil sa katotohanang nakapaloob sa article.

Lalo akong nag-alala para kay Vanessa.

Kaya ba... Kaya ba ganun nalang ang reaksyon niya kanina?

Kaya ba kailangan niya ng therapist ay dahil... Sa trahedyang pinagdaanan niya?

Ang sabi dito ay limang Doktor ang sumalbahe sa kanya.

At naalala ko ang isang beses kung saan bigla siyang lumabas sa kainan dahil lang may mga lalaking doktor na kumakain roon.

Ngayon naiintindihan ko na ang reaksyon niya.

Damn.

Nahuli ang mga doktor na iyon at nahatulan ng ilang taong pagkakakulong. Dapat pinahirapan ang iyon hanggang sa mamatay! At hindi ibig sabihin na nakulong na ang mga ito ay kasabay na din ng paglaya ng takot sa isipan ni Vanessa.

She suffered. Alone. Because her family's grieving for her brother's death.

Muli akong bumalik sa pagkakasandal sa upuan ko. Inusig ng konsensya dahil hinayaan kong may mangyari sa aming dalawa.

Wala akong ideya sa kung anong nangyari kay Vanessa at hindi pa rin napapatunayan na tama ang nakapaloob sa binasa ko pero habang tumatagal at lumalalim ang pag-iisip ko lalo kong natatanto na maaaring totoo iyon.

Tumayo ako at nagpalakad lakad sa kwarto ko hanggang magpasya akong tawagan siya. Pero nakakailang tawag na ako ay hindi siya sumasagot.

Ako:

Vanessa, ayos ka na ba? Pwede ba kitang makita?

That was sent 3 months ago.

She vanished.

BLACK AURATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon