CHAPTER 7: TURTLENECK

10 2 6
                                    

Chapter 7: Turtleneck

Maliwanag na nang umuwi ako sa bahay.

Hindi maagang nagigising ang pamilya ko kaya nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto, sinalubong nila ako.

Nakadaster na pantulog si Mama, ang mga kapatid ko naman ay mga pupungas pungas pa at sa malayong dulo ay natanaw ko ang nakangiting si Jerson.

Ano naman ang ginagawa ng mokong na 'to sa bahay namin ng ganito kaaga?

"Saan ka galing?" Bungad ni Mama. Unang bira palang gigil na.

Hinubad ko ang sapatos ko. Napanganga nang mapansin na hindi na kakulay ng suot kong medyas ang suot ko ngayon. Kulay itim na ito na may embroidered cherry sa mga gilod.

Saan galing ang mga ito?

Uminit ang pisngi ko nang maalala ang nangyari kagabi. Umiling naman ako para mawala 'yon.

"Sumagot ka!"

Napatalon ako sa sigaw ni mama at nang matauhan ay umayos ng tayo.

"Sa groupmate ko, Ma. Malakas na ang ulan kagabi at wala akong dalang payong. Delikado na rin, kaya pinili kong roon nalang magpalipas ng gabi," ani ko na para bang ganun lang kadaling makahanap ng tamang salita para sa alibi ko ngayong umaga.

Nag-ensayo na ako sa isipan ko habang naglalakad sa street pagkababa ko ng jeep dahil alam kong mangyayari 'to.

Saka tinext ko naman si Misty na hindi ako makakauwi. Bakit parang ang oa naman ng reaksyon ni Mama.

Umalis si Michy nang marinig ang sagot ko, uminom naman si Misty ng tubig bago tumayo at sumunod kay bunso.

Nang mawala sila ay pinindot ako ni Mama sa bandang collar bone.

"Siguraduhin mo lang na sa kaklase ka galing! Dahil ayoko pang magkaapo! Masyado pang maaga!" Aniya bago umalis sa salas leaving me with Jerson who is smirking like a crazy dog.

Base sa ngisi ni Jerson at sa bayolenteng pagkakapindot ni Mama sa bandang iyon ng balat ko...mukhang alam ko na kung anong naroon.

Dali dali kong binaba ang bag ko sa malapit na sofa at tumakbo sa malaking salamin malapit sa kusina. Halos mapamura ako nang makita ang kulay red-violet na kung ano roon.

Hickey!

Kaya naman pala kakaiba ang tingin ng mga tao sa akin!

Bakit hindi mo naisip tingnan ang sarili mo bago ma umalis, Mikey!

Vanessa sucked my neck wildly last night! Kaya imposibleng hindi 'yon mag-iwan ng kakaibang marka!

Damn Vanessa!

"Puro lalaki 'yong groupmates mo, ah? Nagbakla ka na?" Ani Jerson bago bumunghalit ng tawa.

Kinuha ko ang kahoy na hair brush ni Misty at binato sa ulo niya. Sapul.

Sigurado akong magbubukol 'yon.

"Aray! Tangina nito!" Hinimas himas niya ang parte ng walang laman niyang ulo na tinamaan pero tumatawa pa rin. "I was just kidding! Saan mo nakuha 'yan?"

Hindi ko siya pinansin dumiretso ako sa kwarto matapos kong damputin ang bag na inilapag ko sa sofa, sumunod naman siya sa akin.

Lukot ang kama ko kaya alam kong dito siya natulog.

"Oi," pangungulit niya.

"Pwede ba, Jerson? Stop bugging me, I want to be alone! Go home!"

Hindi rin ako pinansin ng gago naupo pa sa study table ko. Hindi pa rin nawawala ang mapang-asar na tingin.

BLACK AURAWhere stories live. Discover now