CHAPTER 5: SECRETS

7 2 0
                                    

Chapter 5: Secrets




Napatalon ako nang makita ang itim na pigura sa labas ng coffee shop kung saan kami nagmeeting ng mga groupmates ko. Nakasandal ito sa public bench, nakahalukipkip at mariin ang pagkakapikit emphasizing her dark eye lashes and her black aura.

Vanessa.

Niyaya niya ako kahapon na manood ng sine ngayong araw at hindi ko inaasahan na nandito siya ngayon.

Bumuntong hininga ako nang mahimasmasan. I texted her earlier that I won't be available today because we have a group meeting. Malapit na kasi ang final defense kaya nangangarag na kami. Kaya 'yan, pati ang weekdays na dapat pahinga namin nakukuha na rin ng academic tasks.

Akala ko nagiging demanding lang siya nang hiningan niya ako ng details. Kung saan kami at kung anong oras ang labas namin. May balak pala siyang magpunta dito.

I walk towards her, I checked my wrist watch at muling napabuntong hininga nang makita hating gabi na natapos ang meeting namin.

Ang sabi ko, hanggang alas siete lang ang meeting pero hindi namin napansin na naging mainit pala ang brainstorming at hindi napansin na hanggang mag closing na kami sa coffee shop. aral na aral kaming lahat!

"You made me wait again," rinig kong bulong niya nang makalapit ako. Nakapikit pa rin siya at hindi gumagalaw, kung paano niya nalaman na ako ang nasa harap niya, hindi ko alam.

I sat beside her. "Kanina ka pa dito?" Tanong ko.

"Obviously. Sabi mo, lalabas ka na ng 7PM at halos alas onse na ngayong lumabas ka."

Napapikit din ako. Kay naman pala niyang maghintay ng ganito katagal. bakit noong nakaraan, 15 minutes palang akong nalelate nagalit na siya agad.

"Sorry, nagpolish kasi kami ng research paper kaya natagalan," It was a sincere apology  this time. Matagal siyang naghintay kaya deserve niya naman na marinig ang apology ko.

Tumingin ako sa gawi niya at nagsalubong ang paningin namin.

"Mukhang uulan."

Tiningala ko ang langit nang sabihin niya iyon. Tama siya, mapula ang langit at parang ilang sandali nalang, bubuhos na ang napaka lakas na ulan.

Wala pa naman akong dalang payong at malayo dito ang bahay namin. Kung bakit ba naman kasi malayo sa university ang pinipiling meeting place ng leader namin ay hindi ko na talaga alam.

Tinignan ko ulit ang ngayo'y matuwid nang nakaupo na si Vanessa. Mukhang naiirita na siya.

Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ngayon. Malinaw ko naman kasing sinabi sa kanya na hindi nga ako pwede ngayong araw pero nagpunta pa rin siya dito. At naghintay pa kahit na alam niyang nagsasara at ang mga malls at movie house pagdating ng alas nuebe.

Malungkot pa rin ako sa nangyari kahapon at wala rin naman akong gana para sa mga gusto niyang  mangyari ngayong gabi.

Masisira ko lang ang mood. Lalabas kami na parehong grumpy. Maglalabas kaming dalawa ng black aura sa paligid imbes na siya lang.

"I think we should go home."

"Yeah. I wasted my time here."

Tumayo na siya kaya gumaya ako.

"Hatid na kita sa sakayan..."

"No need. Malapit lang dito ang tinutuluyan kong apartment," aniya at nagpatiuna na naman sa paglalakad.

"E'di sa apartment mo kita ihahatid," wala sa sariling ani ko bago siya sinundan.

Ang bigat ng pakiramdam ko ngayon dahil alam kong pinaghintay ko siya pero wala man lang kaming magagawa.

BLACK AURAWhere stories live. Discover now