CHAPTER 6: REALIZATION

8 3 0
                                    

Chapter 6: Realization

Binalingan ko ng tingin ang mahimbing na natutulog na si Vanessa. I checked my wrist watch at alas tres na pala ng madaling araw. Malakas pa rin ang ulan sa labas.

Pumikit ako ng mariin. What have I done?!

Marahan akong tumayo at muling sinuot ang mga nagkalat ko ng saplot. Hindi nga lang ako sure kung tama ba ang mga sinuot ko dahil madilim nga at hindi ko mahagilap ang salamin ko.

It wasn't my first time. I've done it multiple times with Althea when we're together pero ginawa una naming ginawa iyon noong 3 years anniversary namin. Hindi kagaya nito na halos isang linggo pa lang kaming nagkakakilala.

Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para gawin 'to. Ang malamig ba na panahon dulot ng ulan o ang mga emosyong 'di ko mapigilan.

Naglakad ako papunta sa glass window at tinanaw ang maulan na panahon. Sa mga normal na araw, mas gugustuhin kong matulog dala ng malamig na panahon pero hindi ko 'yon magawa ngayon dahil nakokonsensya ako.

It isn't Vanessa's first too. Pero ang katotohanang iyon ay hindi nakatulong para mapabuti ang pakiramdam ko.

Nakaramdam ako ng pag galaw sa likuran ko kaya nilingunan ko 'yon para makita si Vanessa na nakatayo sa kusina, only wearing her under garments. Hindi ko makita ang mukha niya kaya hindi din nagtagal ang tingin ko roon.

Bumaling akong muli sa bintana. Lalong tumindi ang nararamdaman ngayong aware akong gising na si Vanessa at naaamoy ko ang tinitimpla niyang kape.

"Hindi ka ba natulog?" Tanong niya ngayo'y nararamdaman ko na ang mga yapak niya sa likuran ko.

Pinili kong hindi sagutin ang tanong niya. Nakatayo lang ako roon, nakatanaw sa bintana.

"First time?" Natatawang aniya.

Hindi ko makita kung ano ang nakakatawa sa sinabi niya.

"Parang hindi naman. You're quite good."

Sinundot niya ang tagiliran ko.

She's taking this lightly.

Inabot niya sa akin ang isang tasa ng kape. Kinuha ko 'yon dahil mukhang mainit at ayokong mahirapan siya.

We endured the deafening silence for awhile before she broke it.

"I wont drag you to the altar. It's 21st century, Mikey. It's normal," malumanay na aniya.

Tiningnan ko na siya ngayon diretso sa mata, malabo siya sa paningin ko pero hindi ko iyon ininda.

She's as sad as me. That's the only thing I'm certain the moment I kissed her.

"You're right," ani ko pero hindi para sumang ayon sa sinabi niya.

Naaninag ko ang pagngiti niya kaya itinuloy ko. "The girl we saw yesterday is my ex girlfriend. The man he's with is her new boyfriend. I cannot move on no matter how hard I try. Ang nangyari sa atin  ay pagtataksil para sa 'kin dahil mahal ko pa rin siya hanggang ngayon."

Hindi ako nakakuha ng sagot mula sa kanya. Pero gusto kong may pagsabihan ng mga nararamdaman ko ngayon. Alam kong hindi sana siya kasali sa problemang ito pero hinila ko na siya papunta rito at wala nang daan pa para makalabas siya.

Bumuntong hininga ako.

"Classmate ko si Althea noong Grade 7. I liked her because of her appearance but I loved her because of what we've been through. Nakita ko kung paano siya nag grow ganun din siya sa akin. Nandun ako ng mga panahon na kailangan nya ako gaya nalang ng nandyan siya pag kailangan ko siya.

BLACK AURAWhere stories live. Discover now