CHAPTER 8: KISS

15 1 0
                                    

Chapter 8: Kiss

"B-Boyfriend?!"  Althea asked hysterically.

Hinawakan naman ni Vanessa ang kamay ko. Hindi lang hawak, pinagsalikop niya ang mga daliri namin.

"Yes."

Nakita kong mula sa gulat ay nagdilim ang mga mata ni Althea. Lalo na nang makita niya ang magkasalikop naming kamay.

Don't make me believe that you still love me, baby. I might steal you from that guy.

"When? How?" Tanong pa nitong muli.

Nakita ko ang pag-abante ni Vanessa. Arching her brows.

"Bakit kailangan kong ipaliwanag sa'yo. Again... who are you?"

Nakita ko ang pagkapahiya ni Althea bago niya kami iniwan roon.

Mabuti... Dahil kung natagal siya at nakipagtalo kay Vanessa. I might lose it. Baka magmakaawa na naman akong bumalik kami sa dati.

Tinanggal ko ang kamay ni Vanessa sa kamay ko saka siya hinarap. Gusto kong magalit sa kanya. Kinuha niya mula sa akin ang pagkakataong makausap si Althea at madama ulit na nag aalala siya sa akin.

I was about to burst out when I saw Vanessa's eyes. Madilim ang mga mata niya na tila ba may paparating na bagyo at kung hindi ako lilikas, maaari akong malunod sa bahang idudulot nito.

Bumuntong hininga ako at hinawakan siya sa palapulsuhan bago marahang hinila.

"Break niyo ba?" Tanong ko habang naglalakad kami. Hawak pa rin ang palapulsuhan niya.

"Yeah," aniya.

"Let's eat."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya, hinila ko nalang siya papunta sa paborito naming kainang fast food ni Althea noon.

May klase ako after ng subject kasama si Althea pero nawalan na ako ng ganang pumasok at ipagpatuloy ang araw ko kaya mas pinili ko nalang lumabas. Dapat na akong mag-aral kung paano hindi maapektuhan ni Althea sa lahat ng pagkakataon.

"Masyadong crowded dito," ani Vanessa iniikot ang paningin sa buong lugar.

Vanessa doesn't attract much attention today beacause she looks normal. She's wearing her nursing uniform which is color white paired with black chelsea boots. Her eye shadow is blue instead of black, though her lipstick is still dark as the night.

Lumunok ako nang mapadapo roon ang mata ko. This is bad.

"Ayaw mo ba dito?" Tanong ko nang makabawi.

Inikot niya pa rin ang paningin sa paligid at nang masatisfied sa pagtingin ay bumaling na siya sa akin. Nakita ko ang takot sa mga mata niya na nagpakunot sa noo ko.

I traced her line of vission and saw that there are bunch of male doctors eating happily.

"Uh.. o-oo I'm not comfortable to  places like these."

Naintindihan ko siya. Hindi nga naman madaling gawin ang mga bagay na ayos para sa iba pero hindi ka naman komportable.

"Where do you wanna eat, then?"  Tanong ko.

Naaalala ko ang mga lugar kung saan ko siya kinikita. Lahat ng iyon, hindi mataong lugar.

Bihira lang magkaroon ng costumer ang coffee shop kung saan kami unang nagkita. Ang restaurant naman na kinainan namin noon ay tago at mahirap hanapin ng mga tao.

"Uh... Pwede bang sa mall?"

Tinapunan ko siya ng hindi makapaniwalang tingin. Kung matao rito, lalo na roon. Baka nga doble o triple pa ng bilang ng mga taong narito ako makakasalumuha namin don.

BLACK AURATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon