CHAPTER 10: CONSUMED

10 2 0
                                    

Chapter 10: Consumed

"This is our house," ani ko kay Vanessa.

Tumango naman siya at inikot ang paningin sa bakuran.

Because Michy thinks that she's cool, she insisted to brought her here.

Labag sa loob ko dahil hindi ako naging handa sa pagdating ng araw na 'to. Ang alam ko lang, tutulungan namin ang isa't isang maging masaya. Magiging magkaibigan, pero hindi aabot sa puntong ito.

"Magaan ang kamay ng Mama mo sa mga halaman..." She noted.

Hindi ko siya pinansin dahil nilapitan na siya ng mga kapatid ko. They got along easily. Hindi ko inaasahan na magiging ganun kadali para kay Vanessa ang makipag-usap at makipag kasundo sa mga tao. Ganun din sa mga kapatid ko na lumaki sa kasabihang "don't talk to strangers" well, Vanessa isn't stranger but she's strange.

Pumasok sila sa loob, sumunod ako.

"Kuya, please prepare merienda!" Michy demanded.

Ibinaba ko ang aking bag sa sofa, tumingin at ngumiti sa akin si Vanessa bago muling kinausap si Michy na mukhang excited na mas makilala pa siya.

Bumuntong hininga ako at wala ding nagawa kung hindi ang sumunod sa iniutos. Dala dala na ngayon ni Michy ang pusang itim na pinangalanan nilang Luna.

Mabilis na nangangati ang ilong ni Mama sa balahibo ng mga hayop kaya baka kagalitan niya kami pero alam kong hindi siya makakatanggi 'pag si bunso na ang nagrequest.

Ang unfair pero ganun talaga.

Ginawan ko sila ng egg sandwich at orange juice, habang nanonood naman sila ng walang katuturan na cartoons. Hindi ko nga alam sa mga kapatid ko kung bakit nanonood pa sila ng ganyan samantalang pareho na silang senior high school.

Umiling ako at medyo napatalon nang may yumakap sa akin mula sa likod. Hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sino 'yon. Sa amoy at sa tibok pa lang ng puso ko, alam ko na agad kung sino ang nasa likod ko.

"And Kuya said they're just friends. Really?" Rinig kong bulong ni Michy kay Misty. Alam kong sinadya niyang lakasan ang bulong na 'yon para marinig ko.

Tumawa ang dalawa kong kapatid na nagpainit sa pisngi ko. Ano bang ginagawa ni Vanessa?!

"You smell good."

Lalo akong pinang initan ng pisngi. Ngayon 'di maitago ang kahihiyan.

"Ano bang ginagawa mo?" Mariing tanong ko sa kanya na tinawanan niya lang.

"Nagc-charge," isiniksik ni Vanessa ang ulo niya sa may bandang kili kili ko, mas humigpit ang yakap. Hindi iniinda ang panaka nakang asar at tawa ng mga kapatid ko.

Good thing Mama's not here. Sa ilang linggo naming pagkakakilala ni Vanessa, naobserbahan ko siya. She always act on impulse. Ginagawa niya ang mga bagay na hindi naman niya pinag-iisipang mabuti kung ano ang kalalabasan.

Gaya nalang ngayon, hindi niya alam na ganito ng magiging epekto ng ginagawa niya sa akin.

My legs are jelly. I've never felt this way before. Even when I was with Althea.

"Get a room, please!" Misty shouted before they walk out of the salas and go to their rooms.

"Why are you trembling?" She chuckled.

Kinalas ko naman ang pagkakayakap niya sa 'kin bago siya hinarap.

"Don't do that again."

Ngumisi siya. "I let you kiss me and now you're acting that way? Yakap lang naman, e."

BLACK AURADonde viven las historias. Descúbrelo ahora