Chapter 1: First Day

9 2 0
                                    

Nakadating ako sa labas ng school habang inaalala ang mga iyon.

Crinngggeeee!!!! Bakit ganun ako!!!

Pinagwalang bahala ko nalang yun ng natanaw ko na ang malaking building ng Junior High School.

"Good morning, Buddy." nakangiting bati ko sa security guard ng school. "Good morning din." nakangiting tugon nito.

Dumeretso na ako papasok. Una kong nakita ang malaki at kulay abong fountain sa gitna. Makikita sa right side ko ang mga halamang mas mataas pa sa akin na naging pader para sa isang maze. Sa left side ko naman ay isang garden na may wishing well sa gitnang bahagi at mga benches. Napatitig ako sa mga magagandang bulaklak na may iba't ibang kulay na nakapaligid sa akin habang naglalakad.

"Safi!!" nilingon ko ang pinagmulan ng isang boses na tumawag sa akin. Nakita ko si Naira na tumatakbo papalapit sa akin.

"Naira!!! Kamusta??" nakangiting bati ko sa kanya.

"Heto, maganda pa rin!!" malakas habang nakangiti ding sabi niya sabay haplos sa mukha niya.

Napangiwi nalang ako sa sinabi at ginawa niyang iyon. Pumasok na kami sa building ng Junior High School. Pupunta na sana ako sa bulletin board na nasa pagitan ng dalawang hagdan para hanapin kung saang room kami pero pinigilan na ako ni Naira.

"Bakit?" nalilituhang tanong ko sa kanya.

"San ka pupunta?" tanong niya din.

"Sa bulletin board titingnan kung saang room tayo." sagot ko.

"Duh, hindi ka pa ba nasanay magkaklase ulit tayo. Suggest ko yan sa Dean taon-taon diba!! Palagi din namang tinutupad kaya nga tatlong taon na tayong magkaklase at magiging apat na taon na ngayong Grade 10 na tayo." mahabang sabi niya.

"Ahhh ok." tanging nasagot ko sa kanya.

"Ok? Ok lang sagot mo?" hindi makapaniwalang sambit niya. Tango ang sinagot ko sa tanong niya. "My ghad ang haba-haba ng sinabi ko pero yan lang sagot mo!!! Sakit sa brain ha!!!" malakas niyang sabi habang napapahawak pa sa ulo niya.

OA naman nito parang yun lang tsaka mahaba ba yun ehh ilang sentence lang naman.

"Hoy Naira!! Umagang umaga yang boses mo kaagad nakikinig ko." sigaw mula sa likod namin.

Bakit ang hihilig nilang sumigaw?

Humarap kami sa sumigaw at nakita namin si Zhana at Mishia.

"Aba, nakinig mo pa yun eh naka-earphones ka!" mataray na sagot ni Naira kay Zhana. Si Zhana kasi yung sumigaw.

"Yun na nga eh kahit ata naka full volume ang cellphone ko makikinig ko pa rin ang boses mong mala-speaker ang lakas." mapang-asar na sabi ni Zhana.

"Tama na yan. Don't start a fight. Nakakahiya sa mga students na gusto ng tahimik na umaga at mapayapang first day." singit ni Mishia.

"Oo nga naman nandito pa naman tayo sa entrance. Pinagtitinginan na tayo oh." singit ko din.

"Edi tara na sa locker room." sabay na sabi ni Naira at Zhana. Nagkatinginan ang dalawa at sabay na tumawa.

Missing Love (On-Going)Where stories live. Discover now