Chapter 4: First Meet

3 2 3
                                    

Nagchichikahan kami sa canteen habang kumakain ng biglang dumating si Neron na may kasamang dalawang lalaki. Napatingin ang mga estudyante sa mga kasama ni Neron at nagbulungan, tinatanong ng iba sa mga kaibigan nila kung sino yung mga yun. Hindi na ako nagulat kung sino ang isa sa mga kasama nito.

Si kuyang kapre.

Napabaling ang atensyon ko sa isa pang kasama nila ng makitang nakatingin ito sa akin. Nakatingin ito na wari bang iniinspect ang aking mukha.

May dumi ba ang mukha ko?

Naputol ang pagiisip ko ng magsalita si Neron. "Guys!" paunang tawag niya ng makalapit sa amin. "Oh anong klaseng tingin yan Naira ha! Parang hinuhubaran mo na mga kaibigan ko ah." naniningkit na bintang ni Neron ng makitang daig mo pa ngang hinuhubaran ni Naira ang mga kasama niya.

"Hoy! Makapagbintang naman eh tinitingnan ko lang naman sila pero hindi hinuhubaran." depensa naman ni Naira na namumula pa ang mga pisngi. Inirapan nalang siya ni Neron at nagsimula ng ipakilala ang mga kaibigan niya.

"Yun so guys, meet my friends! Si Ashvin at si Vester." masiglang sambit ni Neron.

Ha? Vester? Si Riri?

Napatitig ako sa lalaking ipinakilala ni Neron na nagngangalan daw na Vester.

Baka naman kapangalan niya lang.

Pero hindi pa rin mawala sa isip ko na maaring si Riri nga iyon. Pwedeng siya, pwede ring hindi, lalo na at matagal tagal na rin ng huli kong makita ang mukha niya maaaring nagbago na nga ito.

Naputol ang aking pagiisip ng makitang may nakalahad na kamay sa aking harapan."Nice to meet you again, by the way I'm Ashvin. Ilang beses na tayong nagkikita pero hindi pa pala ako nakakapagpakilala." pagpapakilala nito sa akin. Kinuha ko din naman ang kamay niya para ishake hands.

"Safirille nga pala but you can call me Safi para hindi mahaba tsaka nakakautal." napabungisngis siya sa pagpapakilala ko at binitiwan na din kaagad ang aking kamay.

"Sige Safi na nga lang nakakautal yung Safirille eh." nakangiting sambit niya kaya napangiti nalang din ako. Naputol lang yun ng lumapit sa akin si Vester at nilahad din ang kamay sa akin.

"Vester nga pala." pagpapakilala nito sa akin.

"Safirille but you can call me Safi." nakita ko pa ang bahagyang paglaki ng mga mata niya ng mabanggit ko ang Safirille. Hindi ko nalang yun pinansin at napakunot naman ang noo ko nang madako ang aking tingin sa kamay naming hindi pa rin niya binibitiwan at nakatitig pa rin siya sa akin. Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mukha dahil sa paraan ng pagtingin niya sa akin kasi naiilang na ako. Napansin niya yun at bumitaw na din sa aking kamay.

"Sige mauuna na kami hindi pa kami nakakapaglunch eh. Bye pretty girls." nagwink pa si Neron bago naunang lumakad papunta para bumili ng pagkain.

Nang makalayo na sila bigla akong siniko ng pabiro ni Naira. "Ano yun ha? Love at first sight?!! Yiehhh!" tanong niya na may pagtaas pa ng mga kilay.

"Ano ka-" naputol ang aking pagsasalita ng sumingit si Mishia.

"Oo nga kita ko yung mga titigan niyo eh tsaka ang tagal ng pagkakahawak ng kamay niya sayo ha!" sasagutin ko na sana siya ng magsalita si Zhana. "At saka bakit kilala mo si Ashvin ha?!" dagdag naman niya sa mga tanong na sasagutin ko.

Missing Love (On-Going)Where stories live. Discover now