Chapter 2: Ceremony

3 2 0
                                    

Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock ko.

Ano ba yan!!!

Napapakamot ako sa ulo habang inaabot ang side table ko kung nasaan ang maingay kong alarm clock. Binasa ko ang oras dito at nakitang 6 o'clock na. Napabalikwas ako sa pagkakahiga ko pagkakita palang sa oras. Tinungo ko na kaagad ang aking banyo para makapagligo na.

*After 25 minutes*

Nakapagbihis na rin ako matapos maligo. Hinanda ko na ang aking bag at sarili. I'm wearing our complete school uniform. A plain white polo shirt and a dark green high waisted skirt that ends exactly at my knee. It is pair with a white socks and black shoes. Pinatuyo ko lang ang buhok ko at tiningnan ng buo ang sarili sa aking full body na mirror. Nang makuntento ako sa aking ayos, tinungo ko na ang aking pinto ng maalala ko ang aking calendar na nasa pinto ko.

Wednesday na kaagad.

Well Wednesday na nga and ang boring ng Tuesday, wala naman masyado pinagawa tsaka wala din namang mga assignments naglesson lang talaga sila. Nothing special. So matapos kong malagyan ng blue cross ang box ng Wednesday, lumabas na ako ng aking kwarto para mag-breakfast. May 10 minutes pa naman ako para kumain. Dumiretso na agad ako para kumuha ng cereal then milk. Yan lang talaga gusto ko sa breakfast, hindi naman sa nagdidiet pero kasi kakain na din naman kami mamayang recess kaya ayos lang ang cereal.

"Good morning Lola Sita." pagbati ko sa kaniya ng makita ko siyang papasok sa kitchen. Napalingon naman kaagad siya sa akin.

"Magandang umaga din sa iyo." nakangiting sagot niya. Nginitian ko din naman siya bago nagtanong.

"Lola Sita nakaalis na po ba sina Mommy?" tanong ko sa kaniya.

"Naku hindi pa, sa tingin ko nga ay tulog pa yung mga yun." tugon niya sa tanong ko. Tumango nalang ako sa kaniya ng mapansin na malapit ng mag6:40 kaya naman nagmadali na ako sa pagubos ng cereal ko at inilagay ito sa kitchen sink.

"Pasabi nalang po kina Mommy na nakaalis na ako. Hindi ko na po sila nahintay kasi balak ko pong maglakad papunta sa school." mahabang lintanya ko. Nginitian niya ako at nagtugon. "Sige sige ipapaalam ko sa kanila. Magiingat ka, sige na at baka mahuli ka pa." kumaway nalang siya sa akin hanggang makalabas ako sa kitchen. Kumaway nalang din ako pabalik sa kaniya at nagsimula ng maglakad.

Makalipas ang sampung minutong paglalakad ng tahimik ay nabulabog ako sa malakas na busina ng isang kotse sa kabilang parte ng kalsada. Napatingin ako dito ng muntikan na siyang makabangga ng pusa na tumatawid. Nagulat ako sa pangyayaring yun, nang lalapitan ko na ang pusa ay lumabas sa kotse ang isang lalaking nakauniporme ng katulad sa mga kaklase ko.

A 5'10 guy with a brown hair and a pale skin. He's wearing a white polo shirt and dark green na necktie then dark green na pants. Dumiretso ito sa pusang muntik niya ng masagasaan at narinig ko pang kinausap niya ito.

"Ano ba kasing ginagawa mo at bigla ka nalang tumatawid?? Paano kung hindi kaagad ako nakapreno, nagulat pa ako kaya napabusina na din ako. Paano kung iba yun at nabangga ka!!? Ano ba yan!!!" pagkausap niya sa pusa na akala mo ay sasagutin siya. Napahagikhik ako sa ginawa niyang yun. Nakailang segundo pa ako sa paghagikhik ng mapatigil at mapaayos ako ng tindig ng makitang nakatingin na yung lalaki sa akin. Matapos kaming magtitigan ng ilang segundo ay tumayo na siya para ilagay yung pusa sa damuhan sa tabi ng kalsada kung saan ito sumulpot, nang mailagay niya na ang pusa ay tumalikod na ito at pumasok na sa kotse niya. Napahabol nalang ako ng tingin sa kotseng sinakyan niya. Naalala ko yung uniform niyang katulad sa school namin.

Missing Love (On-Going)Where stories live. Discover now