Chapter 5: Arts Club

1 2 1
                                    

"Uhmm... Hi??" napatingala naman ako sa lalaking nagsalita.

Nagulat pa ako dahil hindi ko inaasahan na makikita ko siya dito. "Ahh..Hello?" yun nalang ang nasabi ko ng umupo siya sa katabi ko.

"Pasensya na ikaw lang kasi ang nakita kong kakilala ko kaya sayo na ako lumapit." nag-aalinlangan pa siya sa bago niya ito nasabi. Napakamot siya sa batok niya nang tumango nalang ako sa kaniya at ngumiti.

Awkwardd..

Ilang minuto pa ang lumipas ng walang nagsasalita. Naputol lang ito ng magtanong siya. "Soo... Paano mo nakilala si Ashvin? Like kasama ko siya mula pa noon sa America kaya halos kilala ko din lahat ng kakilala niya."

Napatawa naman ako ng maalala ulit ang pangyayaring yun. "Ahh yun ba!! Habang naglalakad kasi ako papasok ng school, muntik na siyang makabangga ng pusa kinausap niya pa nga at sinisi pa yung pusa then nung nagmall kami last week, nagkita naman kami sa Watsons." tumango naman ito at may ibinulong pa ng matapos ako sa pagpapaliwanag. Ipinagwalang bahala ko nalang yun at nagpatuloy nalang ako sa pagdradrawing nang mapansin kong tinitingnan niya ang iginuguhit ko.

Nangunot naman ang noo niya bago magsalita. "Wolf??" napatingin naman siya sa akin at ganun na din ako.

Muli akong napasulyap sa iginuguhit ko. "Nahihilig kasi akong magbasa about sa mga werewolfs. Interesting kasi na may mates sila na habang buhay na nilang makakasama." napangiti naman ako ng maalala na iisa lang ang para sa kanila at walang makakahadlang sa pagmamahalan nila.

Nakita ko ang pagtakip niya sa bibig niya gamit ang kanan niyang kamay. "Hala siya! Nahihilig naman ako sa mga vampires ngayon! Enemies pala yung mga likes natin ngayon eh." napangiwi naman ako ng makinig yun.

May sira ba siya?

"Vampires can suck your blood tapos gusto mo pa rin sila?" napaismid nalang ako sa kaniya. "Why not? They can live for thousands years and they have that superhuman abilities, so why not?" pagdadahilan pa niya.

Napabuntong hininga naman ako sa pagiisip niyang yun. "Well, for me it's disturbing that you can live for thousands years and witnesses how your family or friends die. Like you can't die unless someone will stab your heart with a wooden stake." I said with a "duh" tone.

Sa pagkakataong ito ay siya naman ang napaismid. "Pero-" Magsasalita pa sana siya ng putulin ko ito. "Basta for me being a vampire have a lot of disadvantages." napangiti naman siya sa akin habang napatingin ako sa kaniya nang may pagtataka sa mukha.

"What?!" naiiritang tanong ko. Napahagikhik naman siya sa itinuring ko. "Wala naman napakadefensive mo lang tsaka nakakaamaze lang na naniniwala tayo sa mga supernatural creatures." saad niya na nakatanaw sa canvas ko.

Napaisip naman ako sa sinaad niya. "Paano kung totoo nga sila at nagtatago lang sa kung saan hindi sila mahahanap ng mga tao?" napasulyap naman ako sa kaniya at nakitang nakatingin ito sa akin.

"Ahh HAHAH ano ka ba!!" sambit niya nang may paghampas pa sa braso ko. Nababalisa siyang nagpalinga-linga bago lumapit sa akin. Napansin ko naman ang mukha niyang nagpipilit sa pagtawa na tila alam niya din na para siyang baliw o kaya naman ay weirdo.

"Sayo ko lang ito sasabihin..." Pagputol niya na para bang nagpapasuspense pa. "Kasi.. isa akong werewolf." napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang tawa ko at nagkunwaring nashock sa sinabi niya. Nabigla siya sa reaction ko at bahagyang napalayo sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 25, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Missing Love (On-Going)Where stories live. Discover now