-Seventy One-

2.5K 14 6
                                    

Author's Message:

Ang buong akala ko ay maipopost ko ang last five chapters ngayong gabi pero hindi pa pala. Sensya naman. Advanced ako masyado. Excited ako eh. Pero eto... isang chapter muna. Hehe. By the way nga pala, dahil patapos na rin naman. Mag-comment naman kayo oh. Please?? Kailangan ko ng reviews para naman matulungan niyo ako sa pag-iimprove.

Please leave feedbacks. Kundi magtatampo ako. Joke :))

Eto na. Hahaha. Dami kong seremonyas. Tagal ko na palang hindi naglalagay ng mensahe. Nuh? Hehehe

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 71

Chace’s Point of View

Dere-deretso akong lumabas nang hindi inaalintana ang pagbuhos ng malakas ng ulan. Deretso lang ang tingin ko patungo doon sa pigura na nakikita ko. Naaaninag ko iyon dahil na rin sa ilaw na nanggagaling sa ilaw ng poste. Maya-maya pa ay nasa harapan ko na siya. Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino ang nakikita ko pigura.

Nathalie...

Anong ginagawa niya dito? Umuulan na. Ang lakas. Magkakasakit siya sa ganitong lagay. Nilapitan ko siya at doon ko napagtanto na umiiyak siya. Hindi ko mapapansin ang mga luha niya dahil sa ulan pero malinaw sa pandinig ko ang kanyang mga hikbi. Medyo nanginginig siya. Bakit siya umiiyak?

“Nathalie?”

Humarap siya sa akin na para bang hindi niya inaasahan na makikita niya ako sa parkeng iyon.

“Cha-chace?”

“Anong ginagawa mo dito?”

Umupo ako doon sa tabi niya. Basa na rin naman ang damit ko kaya hindi ko na pinansin na basa yung bench. Waepek din naman iyon. Nagulat ako nang bigla siyang yumakap sa akin. Hinagod ko ang likod niya. Naglalabas siya ng matinding emosyon. Bakit kaya siya ganun? May nangyari kayang hindi maganda. Teka. Ano nga ba ang araw ngayon?

21...

May nangyari ba?

Niyakap ko na rin siya. Hindi ito tsansing. Gusto ko lang na kahit papaano ay maibsan ko ang tindi ng kanyang emosyon.

“Nathalie, mabuti pang ihatid na kita sa inyo...” Sa bahay ni tita Nancy at hindi sa bahay niya dati.

“Sa-sa amin? Hu-huwag muna...”

Bakit ayaw niyang umuwi? Nako. Pareho kaming magkakasakit sa ganitong lagay. Pero mas inaalala ko siya.

“Saan mo ba gustong pumunta?”

“Ka-kahit saan....”

Napabuntong-hininga nalang ako. Mamamiya. Saan ko naman siya dadalhin? Ganitong oras? Kila Sandy? Boogsh. Baka mabugbog ako. Mapagkamalan pa ako na may ginawang masama sa bestfriend niya. Napag-isipisip kong sa condo ko nalang siya dalhin. Sa akin iyong condo na iyon... binili ng aking ama para sa aking college na buhay. Nasa akin naman ang susi at maayos naman iyon dahil palaging naglilinis doon yung mga napagutusan ng aking ina.

“Tara...”

Tumayo siya pero hawak ko ang kanyang kamay. Para kasing sa isang iglap ay maaari siyang bumagsak. Sakto naman na paglabas namin sa may daan ay nandun na yung sundo ko. Noong mapansin kami ni manong ay dali-dali niyang binuksan ang pintuan ng sasakyan. Pumasok kaming dalawa.

Always Have, Always Will: In the deep night, I would always think of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon