-Thirty One-

3K 22 8
                                    

Chapter 31

July 5, Thursday

Chelsea’s Point of View

Akala ko ba papagalitan ako? Hinanda ko pa naman yung sarili ko tapos hindi naman pala... pero hindi ba dapat matuwa ako? Wala lang... kasi naman lots of hugs and kisses lang naman ang inabot ko mula kay mama. Ang patay talaga ako ay kay papa.

Ang nangyari lang naman na kakaiba sa akin ay pinalipat ako sa bahay namin talaga. Sayang. Gusto ko pa naman na mamuhay mag-isa. Huwag niyo lang akong papapanuorin ng horro kasi siguradong isang linggo akong hindi makakatulog ng maayos.

Sa school naman, simula noong malaman nila na kapatid ako ni Chace Andrei de Verra, nagbago ang tingin nila sa akin. Kung makadikit sila, kala mong mga hindi nila ako binully. Mga plastic. Di bale... may araw din sila sa akin... para sa akin, hindi pa sapat yung ginawa ni Ate Sandy... kulang pa iyon... sorry nalang sila... isa akong de Verra at hindi ako nagpapaapak sa kung sinu-sino lang.

“Excuse me.”

Bigla akong tinulak palayo kay kuya. Sino ba iyon? Kung makatulak naman...

Tiningnan kong mabuti yung babae... Aba! Kung maka-kapit naman... parang unggoy! Sino ba ito? Mukha siyang... okay naman siya. Puro make-up nga lang. Sa paningin ko, isa siyang palaka. Bwiset siya!

Pero namumukhaan ko siya. Siya yung mukhang BITCH na kasama ni kuya noong pinagtaguan ko siya. Ano siya ni kuya? Akala ko ba...? Ayaw ko iyan maging sister-in-law!!! Loyal fan ako ni princess!!! Forever na iyon... siya lang ang gusto ko para kay kuya at hindi iyang palaka na iyan. Leche!

Ang gusto kong mapangasawa ni kuya ay iyong mas maganda sa akin... at iyang babaeng iyan ay bagsak sa akin.

“Anong tinitingin-tingin mo dyan?”

Aba! Hindi ba ako kilala ng babaeng ito? Umaos siya ah. Dapat tinikom nalang niya ang bibig niya. I gave her a glare.

“WHAT ARE YOU LOOKING AT?!”

“SOFIA! Tama na!”

“You’re defending her? Who the hell is she? Are you cheating on me with her? She looks cheap.”

Ano daw? Cheap? Siya kaya iyon... mukha kaya akong may class. Kapal ng pagmumukha niya... si Chelsea de Verra kaya ito. Humanda siya! Kung maka-English! Panira ng araw itong... Sofia daw na ito? Ayaw kong tandaan ang pangalan niya. Saan naman kayang lupalop nakuha ni kuya itong babaeng ito? Saan na napunta ang mataas na standard ni kuya? O baka naman may pinainom itong palakang it okay kuya. Huwag naman sana! I hate her! Bagsak siya sa standards ko!

“Kuya, alis muna ako ah. Baka mahawa ako sa mukhang palakang babaeng iyan.”

I gave the “frog” a smirk and walked away. Sira na kaagad ang araw ko. Pabalik na ako ng classroom ng napadaan ako sa may emergency stairs at nakita ko siya na may kasamang iba. Lalong nasira ang araw ko.

Commercial Break:

Try niyo naman panuorin yung video sa gilid kung gusto niyo. May game ako... hanapin niyo si Chace... nandyan siya... group niya iyan eh...

Clue:

Matangkad siya at nasa gilid or likod madalas. Black hair... hahah... good luck! Basta nandyan siya. Madalas siyang i-pokus yun nga lang di siya humaharap sa camera... kaninis nga eh... hay. Basta ayun. Hahaha.

Hanapin niyo na rin si Nick... madali lang siyang hanapin kasi nasa gitna siya madalas at dinig naman ang boses niya....

Nandyan rin si Craig, Seth, Charles, Kenneth at Nate.

Always Have, Always Will: In the deep night, I would always think of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon