-Sixty One-

2.5K 16 3
                                    

Chapter 61

Venedict’s Point of View

Hindi ko inaasahan na ang pagbalik ko ay ang araw ng giyera. Isa itong giyera dahil nagmistulang isang battlefield ang lugar na ito. Ito ang lugar kung saan idinaraos ang mga kung anu-anong events na pang-festival ang tema pero ngayon, ang itsura nito ay napakapangit. Hindi mo iisipin na masasayang pagdiriwang ang ginaganap dito.

Natanggap ko lang ang text ni Craig kaya nalaman ko ito. Sila na daw mismo ang sumugod? Paano nangyari iyon? Hindi ba mas gusto nila ang kapayapaan? Sasama na sana ako sa kaguluhan pero biglang may humatak sa akin: si Chace. Kinaladkad niya ako sa may likod ng isang puno. Siguro walang makakakita sa amin dito.

Seryoso ang mukha niya.

“Huwag ka na dito. Mas kailangan ka niya.”

Naguluhan ako bigla. Ano ba ang mga pinagsasabi nito? Kailangan ako dito... napakakonti namin kung ikukumpara sa Eros Gang. Iyan na ata ang kalahatan nila. Dinala nila dito lahat.

“Ano ba ang ibig mong sabihin?”

“Kailangan ka ni Nathalie. Puntahan mo siya.”

Bigla akong natigilan. Si Nathalie? A-anong nangyari sa kanya? May nangyari ba noong wala ako? Ano ang nangyari?

“A-anong nangyari kay Nathalie?”

“Puntahan mo nalang siya sa ospital. Ikaw ang kailangan niya doon. Hindi ako. Ikaw ang mahal niya, hindi ako. Protektahan mo siya.”

Ano ang sinasabi nito?

“Ngayon ko lang ito sasabihin kaya makinig ka.”

Tumango nalang ako. Ang seryoso ng mukha niya kaya ang hirap sumingit. Nakakatakot. Kakaiba ang aura niya. Hindi siya yung normal na Chace.

“Siguro nga may mga taong tanga na katulad ko. Taong mabagal na katulad ko kaya nauunahan kami ng mga taong katulad mo na masyadong mabilis kumilos. Wala naman akong magagawa dun. Ang gusto ko lang sabihin, mahal na mahal ko si Nathalie. Napakatanga ko lang talaga noon at nabaling ang tingin ko sa iba. Siguro nga inisip ko na hindi ako magiging malaya kung may fiancée ako kaya nag-iba ang trato ko sa kanya.”

“Napakatanga ko. Sumobra. Ito ang tatandaan mo, pareho natin siyang mahal. Siguro nga mas malaki ang pagmamahal ko sa kanya dahil mas matagal ko siyang kilala pero ikaw ang mahal niya. Talo ako. Tatanggapin ko ang kahit na ano. Huwag na huwag mong hahayaan na mawala ang ngiti niya. Huwag mo siyang paiiyakin at huwag na huwag mo siyang iiwanan. Sa oras na ginawa mo ang alin man sa mga iyon, sisiguraduhin ko na hinding-hindi mo siya malalapitan pa.”

Bigla nalang siyang umalis. Naiwanan ako dun. Napalunok nalang ako. Seryoso siya. Mahal niya si Nathalie. Pareho kami ng mahal. Rivalry ba ang tawag dito? Karibal ko siya. Hinding-hindi ko hahayaan na mawala sa akin si Nathalie.

Chace’s Point of View

Mabuhay ang mga martir sa mundong ito. Isa na ata ako doon? Wala na. Wala na talaga. Ibubuhos ko nalang ang lahat-lahat dito. Napatingin ako doon sa may damit ko. Dugo. Gusto kong iuntog ang sarili ko sa pader. Bakit ba kailangang mangyari pa kay Nathalie ang ganung bagay? Bakit kailangan pa niyang madamay?

Nangangalahati na ang Eros Gang. Konti nalang at mapapatumba na silang lahat. Konti nalang at magiging mapayapa na. Sumasakit na ang kamao ko. Kanina pa ito gamit na gamit. Nakakairita na. Hindi na rin malinis ang iba. May pasa na sila tiyak mamaya... pero kailangan naming matapos ito... konti nalang talaga.

Always Have, Always Will: In the deep night, I would always think of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon