Author's Message:

Ang chapter po na ito ay dedicated sa kanya kasi nilagay niya po itong story na ito sa kanyang reading list. Maraming salamat po! Sa lahat din po ng nagbabasa, maraming salamat po!!

Yung nasa pic po ay si Chace, Nate, at Craig. Sunod-sunod lang po.

Yung hindi pa po nakakapanood nung trailer, nandun po sa multimedia box para naman po maging pamilyar po kayo sa characters.

Please po... mag-iwan po kayo ng feedbacks kung ano ang inyong suggestions, reklamo... o kung ano man. Maraming salamat po ulit.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 5

Chace’s Point of View

Sabi ni Nate, Class 2-C daw ako. Si Craig lang ang kaklase ko na kaibigan ko. Dalawa lang kami? Ang panget naman. Ano naman kaya mapapala ko? Pagkatapos ng lunch/snack break, hinatid ko si Sofia sa classroom niya at tsaka ako dumeretso sa sarili kong classroom. Sa hindi ko inaasahang pagkakataon, si Nathalie kaagad ang sumagi sa paningin ko. Doon sila nakaupo ni Dina sa may tabi ng bintana. Kaklase ko pala siya... hindi ako nasabihan... edi sana nagpalipat na ako ng section. Doon ako umupo sa bakanteng upuan na nasa may tabi ng pader, ka-linya ko rin sila. Hindi ko alam kung bakit pero pinagmasdan ko lang si Nathalie.

I could clearly see her features: long black hair, small red lips, pointed nose, goddess-like face. Maganda talaga siya, walang bahid ng make-up ang mukha niya. Maganda nga ang fiancée ko... pero hindi siya ang mahal ko. Medyo nagulat ako nung may tumapik sakin.

“Mukhang tulala ka ata jan.”

Umupo sa upuan sa harapan ko si Craig, yun nalang kasi ang bakante na malapit sa akin. Hindi nap ala ako sanay ng may kasamang mga babae sa classroom. Buong buhay ko ay sa Grant Academy na ako nag-aaral na isang all-boys school. Medyo nakakailang pala.

“Sino ba iniisip mo, ang girlfriend mo o ang fiancée mo?

“Sira.”

Natawa siya ng bahagya. Ano ba nangyayari sa taong ito?

“Ang ganda pala ng fiancée mo...”

Nakatingin siya dun sa kinauupuan nila Nathalie, pati rin yung iba naming kaklaseng lalaki, nakatingin din sa kanya. Sa hindi ko malamang dahilan, gusto kong suntukin silang lahat. Ang lagkit ng tingin nila, para bang ngayon lang sila nakakita ng babae na maganda. Pero kapag naman ginawa ko iyon, mapagkakamalan akong sira.

“Kung nagagandahan ka, edi ligawan mo.”

Napatingin nalang sakin si Craig, yung tingin na parang may nasabi akong masama. Pumasok na yung magiging adviser namin kaya umayos na ang lahat. May ipinaliwanag siya tungkol sa house rules, namili rin kami ng class representative, si Craig ang napili. Magaling siya sa mga bagay na ganon.

“Class, aayusin  natin ngayon ang seat plan ng klase. Gusto ko na maging effective ang ayos niyo...”

Pinalabas niya kaming mga lalaki... mga babae daw muna ang iaayos niya. Pagkaraan ng mga sampung minute siguro, pinapasok na niya kami.

“Mr. De Verra, dun ka umupo sa may tabi ni Ms. Lacsa...”

Ang seatmate kop ala ay si Dina... at sa harap niya si Nathalie. Ang swerte naman ng mga babae... sila yung nakakuha ng upuan na nasa tabi ng bintana.

Always Have, Always Will: In the deep night, I would always think of YouBasahin ang storyang ito ng LIBRE!