-Seventy-

2.5K 15 8
                                    

Chapter 70

December 20, Thursday

Chace’s Point of View

Peste. Pucha. Tangna. Lahat na. Bakit ganito ito? Ang tagal nang natanggal nung lintek na sementong iyon! Bakit hindi ko pa rin magamit ng maayos! Takteng ito. Kanina ko pa ito pinapadaan sa piano nila Nathalie pero hindi ko magamit ng maayos. Nakakasura. Putulin ko nalang kaya? Walang silbi! Peste. Okay na nga na sa kanan ko nalang gagawin ang pagsusulat at pagguhit pero paano naman ang pagtugtog? Hindi ko ata kaya na wala iyon. Importante din iyon sa akin.

“Chace...”

“Nathalie, wala talaga eh...”

“Konti pa. Kahit simpleng exercises muna. Diba nga sabi mo, little by little...”

Yun nga ang sabi ko pero ewan ko. Nakakasura ito. Hinawakan ko ulit yung piano keys. Nangangatog. Bakit ba kasi ganito ito? Hindi ko alam kung anong exercise ang gusto nitong kamay na ito. Ang landi. Pakshet lang. Bwiset!

Nagulat ako nung biglang hawakan ni Nathalie yung kamay ko. Magkatabi kami ngayon sa piano stool. Gina-guide niya kasi ako. Nanlaki ang mata ko at may kung ano akong naramdaman. Para akong kinukuryente na parang ewan.

“Ganito oh... dahan-dahan lang kasi. Atat ka pala.”

Napatingin nalang ako. Nakikita ko ang gilid ng mukha niya. Napalunok nalang ako. Bakit ganito? Te-teka. Magpigil. Hinde. Kinakabahan lang talaga ako. Takteng iyan. Iba talaga epekto nitong babaeng ito sa akin. Iba talaga. Eto na nga ba sinasabi ko eh. Kasalanan ito nung Ramos na iyon! Pumayag siya eh. Bahala siya. Hayan tuloy.

Mahal ko talaga itong babaeng ito...

Kahit ano pa ang gawin ko...

Venedict’s Point of View

“Manang, nandyan po ba si Nathalie?”

Parang ang tagal ko nang hindi nakapunta dito. Naisipan kong sumilip muna dito para naman makita ko siya. Tagal na nung huling punta ko dito. Eh bakasyon naman kaya hindi ako busy. Kamusta na kaya yung sinasabi nilang sessions? May progress ba? Kung meron... itigil na. Joke.

“Nasa itaas po. Tatawagin ko po ba?”

“Hindi na. Ako nalang pupunta dun.”

“Sige po.”

Ngumiti ako kay manang at umakyat na ako. Pagtapat ko sa kwarto ni Nathalie... medyo nakabukas yung pintuan... kita ko yung loob. Ang laki ng kwarto niya pero ang una mong makikita ay yung parang sala sa loob kung saan nandun yung piano niya.

Tumambad sa akin ang pigura nilang dalawa na magkatabi doon sa may piano. Nadidinig ko ang tinutugtog nila. Ang sarap pakinggan sa tenga. Ang ganda. Ganito pala ang nangyayari kapag nagsama ang talento nilang dalawa. Nakakataas ng balahibo. Pero parang nabasag ang lahat nang makita ko ang kamay nilang dalawa... nakahawak si Nathalie sa kamay ni Chace. Bakit ganun? Alam kong walang malisya doon pero bakit iba ang pakiramdam ko? Bakit? Bakit?

Nakakaramdam ako ng matinding selos. Sa totoo lang, nagseselos ako... simula pa noong nagsimulang mag-alala ni Nathalie para kay Chace. Makasarili ang iniisip ko pero hindi ko mapigilan. Tao lang naman ako at hindi santo. Nagseselos rin naman ako kahit sa mga simpleng mga bagay. At nung nakita ko kung ano ang kaganapan sa loob, parang na-summarize lahat ng selos na naramdaman ko. Ganun pala ang mga nangyayari sa so-called session nila. Naasar lang ako na hindi maintindihan. Dapat papasok ako at manggugulo pero napag-isipan kong huwag nalang pala. Naiinis ako. Isinara ko nang marahan yung pinto. Siguro naman ay walang makakarinig sa kanilang dalawa nun kasi babad sila sa tunog na nilikha nila.

Always Have, Always Will: In the deep night, I would always think of YouWhere stories live. Discover now