-Sixty Two-

2.5K 13 6
                                    

Chapter 62

October 22, Monday

Chace’s Point of View

Ayoko ng ganito. Napakatahimik. Nakakabingi. Gusto ko nang makalabas dito sa putting kwarto na ito. Namamaho na ako dito. Nabubulok. Nandidiri na ako sa sarili ko. Gusto ko nang tanggalin itong sementong nakapasak sa kamay at braso ko pero lalo lang sigurong lalala ang sitwasyon ko. Mas maaalala ko lang yung sinabi nung doctor...

“Maaring hindi mo na magamit iyang kaliwang-kamay mo... malala ang tama. Mas mabuti pa siguro ay magsanay ka nang gumawa ng bagay sa kanan.”

Pucha. Parang magsisimula ulit ako sa simula...

Ang pangarap ko... parang nawala nalang na parang bula. Hindi ko na maiguguhit ang mga gusto kong iguhit. Hindi ko na matutugtog ang mga ginawa kong musika simula pa noong bata pa ako na hanggang ngayon ay nakaimbak sa kwarto ko.

Ang panget ng pakiramdam ko. Siguro dapat tinuluyan nalang ako ng mga kumag na iyon total kahit mabuhay pa ako... ganun din... parang wala ring saysay. Kaso eto... buhay pa rin. Matagal pa siguro ako mabubura dito dahil matagal mawala ang mga masasamang-damo. Isa akong ganun.

Biglang bumukas yung pinto pero hindi ko tiningnan kung sino yung pumasok. Baka kapatid ko ito... hindi naman kumatok.

“Wala ka bang assignment, CC?”

“Chace, kamusta ka na?”

Ibang boses yun. Parang gustong tumaas nung balahibo ko... anong ginagawa nito dito?

“Bakit ka nandito?”

“Masama bang dumalaw?”

“Para sa iyo, oo.”

“Why so harsh?”

Naglapag siya ng basket ng prutas. Tatandaan ko na itatapon ko ang mga iyon mamaya. Mahirap na, baka malason pa ako. Umupo siya doon sa may tabi nung kama. Gusto ko tuloy umalis. May allergy na siguro ako.

“Chace...”

“Ano ba kasing kailangan mo?”

“Miss na kita. Hindi ba pwedeng... tayo nalang ulit? Okay naman ang lahat ah.”

“Akala ko rin pero hindi ikaw yung mahal ko. Kung yan lang ang sasabihin mo, maluwag yung pinto. Hindi naman iyon sira. Libre pa.”

“Si Nathalie ba ang dahilan?”

Oo. Siya ang mahal ko. Wala nang iba. Hindi nalang ako kumibo.

“Silence means yes. Gusto mo yung fiancée mo? Naghihingalo na yun.”

Ano bang sinasabi nito? Bakit parang gusto ko siyang itapon sa may labas?

“You should just come back to me. May boyfriend na yung gusto mo and who knows... mamamatay na iyon. Hindi na yun aabot.”

“Pwede bang lumabas ka nalang?”

“Bakit? Hindi ba totoo? Mamatay na yun.”

“Sabi ko lumabas ka na!”

“ Chace, ano bang nangyayari sa iyo?”

“Nasusuklam ako sa iyo! LUMABAS KA NA!”

Nagdidilim ang paningin ko. Hindi ko tanggap ang mga sinasabi niya. Buhay pa si Nathalie. Buhay na buhay tapos sasabihin niya ang mga ganung bagay?

Always Have, Always Will: In the deep night, I would always think of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon