INSIDE.

13 3 0
                                    

Isang panibagong araw na naman, malalagpasan ko ba ng maayos at maganda? Isang panibagong araw at isang panibagong ganapin

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

Isang panibagong araw na naman, malalagpasan ko ba ng maayos at maganda? Isang panibagong araw at isang panibagong ganapin.

Naglalakad ako sa pasilyo ng paaralan, patungo sa aming silid aralan. Habang naglalakad, nakasakbit ang aking earphone at may katamtamang lakas ng musika. Tahimik at malalim ang iniisip. Musika ang nagsilbing kasama ko sa lahat ng bagay. Musika ang nagbibigay lakas sa akin. Bakit?

Bakit nga ba?

"Xythan!" Isang tinig ang aking narinig na binabanggit ang aking pangalan. Napalingon ako't sinuri kung sino ito.

"Bakit?" 'saka ako ngumiti at tinanggal ang nakasakbit sa aking tenga.

"I need your help? Please?" Xiez, ang isa sa kaibigan ko.

Napa-isip ako't sandaling nag-alinlangan, "S-sige? Ano ba 'yon dude?"

"Courting Yvon? Hehez." -Napahawak ito sa kaniyang batok na wari'y nahihiya.

Napatawa na lamang ako't 'di inalintana ang iniisip. "Sige ba, kailan mo ba balak gawin dude?"

"Ngayon? HAHAHA." Xiez.

"Aba, magaling HAHAHA. Pero may klase tayo?" Ako.

"Wala naman ang guro natin sa agham, So ano? dali na dude, just this once?" Xiez.

"Sige sige."

•••

Nasa gilid ako ng stage, natugtog ng gitara. Isa ito sa itutulong ko kay dude.

( Statue melody's playing. )

"Oh irog ko, hayaan mo sanang tapusin ang tulang ito. Tulang ihahandog na tanging sa'yo, Itong aking katagang walang halong biro." Banggit niya sa harap ng mikropono, sa harap ni Yvon, sa harap ng madaming studyanteng nanonood.

Hiyawan ang iyong maririnig, animo'y para sa kanila't kilig na kilig.

"Simula ng ika'y makilala
Binihag mo ang isang tulad ko sa unang kita
Kinuha mo ang atensyon at inayos ang postura
Wala ng kawala sa pagmamahal na nadarama.

Sana ngayong araw na ito.
Hayaan mo akong patunayan sa iyo.
Patunayan sa harap ng maraming tao.
Patunayan sa mundo.

Na ang pagmamahal ay totoo.
Na ang nadarama ay hindi biro.
Na ang umasa sa iyo ay tunay, mahal ko.
Na ang ikaw at ako ay mangyayari sa tagpo."

Mas lalong lumakas ang hiyawan ng lahat. Maya-maya'y biglang tumahimik ng mapansin ang walang reaksyong mukha ni Yvon.

"Who said you can do this?" -Yvon.

"No one, I told you that I love you." -Xiez.

"But I don't care and I will never be." -Yvon.

"Can you just please give me a chance?" -Xiez.

"Sa nangyari ngayon? Lalo pang nawalan ng pag-asa." -Yvon.

"What do you mean?" -Xiez.

"I hate this." Yvon, at bigla na lamang itong umalis na lalong nagpatahimik sa paligid. Agad kong tinanggal ang nakasukbit na gitara't lumapit kay Xiez.

"Dude, are you okay?" hinawakan ko ang balikat nito.

Ngunit sa hindi inaasahan, suntok ang sumalubong sa akin. Enough to make me sit on the floor. "Don't fucking lay your fingers on me! It is your fault! This was your all idea and look what happened?! Shit, you bastard."

Lumisan ito, nagulat ako sa lahat ng kataga nito.

Unti-unti na ring lumisan ang mga tao hanggang sa ako na lamang ang natira't nag-iisa.

Ganoon na lang ba palagi? Ako ang may kasalanan? Kasalanan ng iba sa akin ang bagsak? It was not my fault. I gave all my best. I want to fight back but I know that I can't. Lahat ay pabor sa kaniya. While me? Just a stupid trash.

I know I'm worthless, I know I'm nobody. I know I'm an outcast. I know that I'm worst. I know, but inside me is already tired.

Tired of smiling in front of people, I'm tired of helping, I'm tired of everything, I'm tired of my self.

May kinuha ako sa aking bulsa't lumabas ang isang patalim. Ngumiti ako sa huling pagkakataon. "I know what's inside, and it's already tired."

W O R K  O F  F I C T I O N.

BLACK ROSE: One ShotsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant