PAGOD NA.

26 6 0
                                    

Sabi nila kapag mahal mo, hindi ka susuko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sabi nila kapag mahal mo, hindi ka susuko.

Sabi nila kapag mahal mo, hindi ka magdadalawang isip.

Sabi nila kapag mahal mo, gagawin mo ang lahat.

Sabi nila kapag mahal mo, hindi ka mapapagod.

Sabi nila kapag mahal mo, lalaban ka.

Sabi nila kapag mahal mo, mahal mo talaga.

Pero bakit ganun? Bakit ganito? Nasasaktan ako sa nakikita at nababasa ko. Ang sakit at hindi matanggap ng utak at puso ko ang salitang nagpaguhaw ng mundo ko.

"Ako na ang susuko."

"Kung pagod ka na sabihin mo lang."

"Nasasaktan na ako eh."

"Magbreak na lang tayo."

"Ansakittttttt na eh."

"Di ko na kaya."

Habang binabasa ang mga katagang 'yan hindi ko maiwasang maluha at manikip ang dibdib ko. Nasa pekeng mundo kami at akala ko handa na ko sa mga ganito kase pinasok ko ang relasyong ito. Pero hindi pala. Hindi ako handa. Ang sakit sobra. Hindi ko matanggap.

Galing kami sa cool off dahil gusto niya raw makapag isip-isip. So ayun pumayag ako. Hindi ako nag ol gaya ng napag usapan. Bakit pa ba ako mag-o'ol kung wala naman siya na tanging nagbibigay dahilan sa akin na mag-ol doon.

Pero oras na pagkabukas ko. Ganito ang nadatnan ko. Akala ko cool off lang para magka-ayos ang lahat. Pero 'eto na pala. Makikipaghiwalay na.

Pinunasan ko ang luhang patuloy na tumutulo at ayaw magpa-awat.

Bakit ako naiyak? Hindi ako ang tipo ng tao na basta nalang iiyak. Kahit nasasaktan na walang luhang lumalabas sa mata ko. Pero bakit ngayon? Ayaw paawat ng mga pesteng luhang ito?!

Hindi ako iiyak. Tama na. Hindi ikaw ito self. Tinatagan ko ang loob ko. Binuksan ko ang isip ko at ayaw ko ng pairalin ang puso ko. Dahil sa ilang beses ko nang sinunod ito, ilang beses na rin akong nasaktan at nasira ang tiwala ko.

"Akala ko sa cool off na sinasabi mo mag iisip ka lang. Oh sige kung pagod ka na papayag ako. Pero sabihin mo muna sakin kung sigurado ka na ba d'yan? Kase kung oo wala na talaga."

"Hindi naman ako pagod eh sadyang marami lang talagang problema ang dinadala ko. Kung ayaw mo na sige lang. Kung d'yan ka sasaya sige lang."

"[ name ] naman. Suko ka na ba talaga?"

"Pasensya na kung ganito ako. Eh ganito naman talaga ako. Oo na ako na may kasalanan. Wala na ba talaga?"

Sunod sunod kong reply sa kaniya. Tama. Mabuti nang ayusin at intindihin ko ito. Ayokong maging mahina at gusto kong harapin ito at hindi ang takasan.

"Ayaw kong sumuko."

Sabi niya makaraan ang ilang minuto. Naguguluhan ako. Nakikipag-gaguhan ba siya sa akin?

"Ayaw mo? Pero pagod ka na. Sabihin mo kung ano bang gusto mo sige lang kung gusto mo ng maghiwalay sige lang. Pero sana kung yun talaga ang gusto mo at pumayag ako ay wag mong isipin na hindi ako nasaktan at umiyak."

Tanging sabi ko na lang. Hindi ako galit. Kontrol ko pa ang utak ko. Bakit ako magagalit? Hindi ko naman kasalanang napagod siya sa akin.

"Oo pagod ako."

"Pero ayaw kong sumuko."

Reply niya. Naguguluhan na ako. Nakakatanga. Kanina lang nakikipaghiwalay siya tapos ngayon nakikipag-gaguhan na? Hindi ko siya maintindihan. Alam kong nasasaktan din siya. Alam kong mahal niya rin ako pero natalo lang siya ng pagod.

Pero bakit ganun? Ganun na ba ako kasama para mapagod siya?

"Paanong pagod na ayaw sumuko? 'di ko maintindihan. Wala akong maintindihan. Diba kapag pagod ka na, ayaw mo na. 'di ko alam."

"Sabi mo 'di mo na kaya. Pagod ka na. Ano bang ibig sabihin mo? Ganun na pala talaga, nakakapagod ako."

Sagot ko sa kaniya. Natatanga na ko, tangina.

Saktong exam na nila bukas at kami rin dapat kaso namove ang schedule ng amin. Iniba niya ang usapan. Na magpahinga raw muna ako. Na mag relax daw muna ako. Ewan ko pero naiinis ako.

"Tangina [ name ]. Paano ako magpapahinga kung sa utak ko lagi kong dala dala? Kung pagod ka ba talaga. Kung sawa ka na. Tapusin na natin 'to. 'di ko na alam kung ano pa bang mangyayari dito. Pagod ka na, ako na lang ba ang a'asa? Tangina, [ name ] nasasaktan din ako."

Ang tanging nasabi ko nalang dito. Nakakatanga na. Hindi lang siya ang nasasaktan. At lalo naman sakin na pagsabihan ng taong mahal mo na napagod na siya sa iyo. So tell me, hindi ba masakit? Well, that bullshit can fvcking hurt! Tangina.

Nag-makaawa siya, humihingi ng tawad, naguguluhan lamang daw siya, humihingi pa ng isang pagkakataon.

Pero ako? Nasira na naman ang tiwala ko. Pang ilang beses na akong nasaktan dahil lamang sa kaniya. Pero wala eh, mahal ko siya. Kaya nagpabihag ako sa gusto ng puso ko.

Kaya ngayon? Ayoko na. Gusto ko ng pairalin ang utak ko. Hahayaan ko ng masaktan ako. At least hanggang dito na lang. Wala ng susunod pa.

Ang sabi ko sa kaniya. 'di ko alam. Mag-iisip pa ko kung ano ba talaga. Dahil hindi ko talaga matanggal sa utak ko ang salitang pagod na. Bakit sa lahat ng pwedeng salita ay 'yon pa? I hate that fvcking word so damn much! So tell me how could I forget that easily?!

Maghihintay daw siya.

Natatawa ako. Sige lang bahala siya dahil alam ko namang alam niyang wala ng kasiguraduhang babalik pa ako sa kaniya.

So, ngayon. Ano nga bang gagawin ko? Babalik ba ako at susundin na naman ang puso ko dahil mahal ko siya o papairalin ko na ang utak kong alam ang tama at mali?

W O R K  O F  F I C T I O N.

BLACK ROSE: One ShotsWhere stories live. Discover now