GANITO AKO.

17 3 0
                                    

Isa lang naman akong simpleng tao

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Isa lang naman akong simpleng tao.

Simpleng tao na may kakaibang talento.

Simpleng tao na may kakaibang ugali.

Simpleng tao na kahit sino ay hindi maikukubli.

Ewan ko ba kung bakit ako ganito. Ganito na iilan lamang ang nakakaintindi. Iilan lamang na minsan pa ay hindi na matansa.

Tuwing nakikisalimuha ako sa iba, boring. Tahimik, seryoso. May saysay at cold pa nga raw minsan at dinaig pa ang yelo.

Wala eh, ganito ako. Ayokong nagsasayang ng oras. Ayoko ng mga usapan ay walang saysay. Ayoko sa lahat ay maingay.

Ang wierd ko daw. Duh, 'di kaya ako alien ghOrl.

Panget mong kaibigan is calling~ Panget mong --

Tss, pangit talaga. Sinabi mo pa.

"Bakit?" Saad ko sa kausap ko sa cellphone.

"Ano na naman? Tinakot mo ba yung nireto kong gwapo sa iyo?!" Sigaw na sambit nito.

Karindi, daig pa mikropono eh.

"Wala akong ginagawa. Siya itong maingay eh. Sarap ingudngud sa bato." Balewala kong wika.

Ramdam at alam ko naman napa-tampal na lamang siya sa kaniyang noo. But, who cares, right?

"Naman siz. Pang-ilang reto na 'to sa iyo. Pero ano? Lahat taob. Sabihin mo nga nangangain ka ba?" Saad niya na sanhi ng pag-irap ko.

"Mukha na ba akong cannibal o aswang ha." Banggit ko.

"Tamo. Bakit kase ang cold cold mo. Walang emosyon. Para kang manequin eh." She stated.

"Bakit ang sexy ko ba?" Biro ko na alam ko namang walang tatawa.

"Tatawa na ko doon? Corny mo mag joke." Wika niya.

"May sinabi ba akong tumawa ka?" Bira ko.

"Jeez. Bakit ba ako nag karoon ng kaibigan na ganito?" Sambit niya na nagpabago ng mood ko.

Bakit kailangan na ganiyan? Bakit kailangan tanungin kung bakit ganito ako? Bakit kailangang mangielam sa kung sino ako?

Oo na, sensitive na kung sensitive. Ayoko sa lahat ng ganiyan. Nawawala bigla lahat ng emosyon ko. Syempre may emosyon din ako sadyang 'di lang talaga halata at mailabas. Hindi naman ako bagay.

"So nagsisisi ka na?" Wika ko na wari'y seryosong seryoso at binabantaan sa bawat salita at gawi na gagawin at sasabihin niya.

"Ha?" Naguguluhang sambit niya.

"Wala eh, ganito ako. Masisisi mo ba ako? Kakaiba ugali ko, nakakasawa. Nakaka-walang gana, nakakatanga, nakakapagod." Saad ko.

Natahimik siya saglit, "sorry."

"Sorry also. But I hate questioning the way I live my life. The way I am acting. The way I am talking, bye." Then I hang up.

Bakit nga ba ganito ako? Bakit nga ba?

Nakakasawa, kaya nga madaming naiwas at nalayo sa akin.

Nakakapagod, kaya nga ganiyan nalang ang kaibigan ko sa akin.

Nakakatanga, kaya kahit sarili ko ay hindi ko na maintindihan.

Nakaka-walang gana, kaya nga walang may interesado sa akin.

Pero wala eh, ganito ako. Ganito ako na kahit mismo ako ay hindi na mababago. I've been created with these traits. So who am I and why the hell am I complaining?

Kaya kahit na ganito ako, tanggap ko sarili ko. Kasi sino ba naman ang magtatagal sa akin? Kung lahat sila nagsasawa at napapagod? Diba ako lang naman? Sarili ko lang ang mayroon ako.

Hindi ko sila masisisi kung bakit nalayo at ayaw nila sa akin. Bahala sila, basta ako? Ako ito.

Hindi ako peke. Hindi ako mapagpanggap. Nabubuhay akong totoo. Nabubuhay akong malaya.

Ayaw nila sa akin? Then don't.

As simple as that. As basic as that.

That is how life must be.

Be you.

Maging ikaw. Dahil may darating at darating din sa buhay mo na matatanggap kung sino ka talaga. Just be patient, love yourself.

Oo ganito ako, and I am proud being this way. I love myself.

Ganito ako.

W O R K  O F  F I C T I O N.

BLACK ROSE: One ShotsWhere stories live. Discover now