10 / A New Shade of Violet

111 3 2
                                    

"Ayokooooo naaaaaaa" ang sigaw ng isip ko. Syempre di ko maisigaw ng malakas yan dito sa library. >____<

Heto ako ngayon, nagiisa at nababaliw na sa pagrereview. Over saturated na ang utak ko at parang ayaw na niya tumanggap ng kahit anong information na ipinapasok ko. Haaaaay. Pero kaya ko to, kakayanin ko ito dahil huling dalawang exam na lang at malaya na ako. 

Oooops, What I mean is malaya sa mga papel at exam at libro at walang katapusang paper works. Ngunit ang katumbas ng kalayaan mula sa mga ito ay ang pagkabihag ko sa katotohanang palapit na ng palapit ang doomsday ko =)))) pero syempre di ko hahayaang dumating nga talaga yun, kaya nga ginugol ko ang mga sumunod na araw mula ng Valentine's Day para asikasuhin ang mga kailangan sa plano ko. Bwahahahaha >:(

At dahil masakit na ang ulo ko, sinara ko na lang muna ang notebook ko at tinext si Alette.

To: Salvador, Alette

Teh wala ka na exam di ba? Pwede favor? :D

From: Salvador, Alette

Depende sa favor, choosy ako e =)))

To: Salvador, Alette

Madali lang ito promise. (: I-meet mo lang yung hinire ko na tao para sa i-pick up yung mga documents na pinagawa ko.

Pumayag naman si Alette kasi syempre mabait yun =))) kaya sinabi ko na sa kanya yung details tulad ng kung saan yung meeting place, ano yung name ng i-memeet niya at anong suot. Tinext ko rin yung imemeet niya at sinabing hindi ako makakapunta kaya sa friend ko na lang niya ibigay yung documents.

Yung Documents na yun syempre pinapeke ko lang sa Recto =)))) Aanhin ko ang pera kung hindi ako makakahanap ng solusyon di ba? At least I can make something out of my parents' money. :D Nagpagawa ako ng Birth Certificate, NBI Clearance at Voter's ID. Syempre lahat yun hindi tunay and under a certain name. Siniguro ko talaga na plantsado na ang plano ko para walang sabit. 

Naeexcite na ako, feeling ko papasok ako sa ibang katauhan. I'll be entering a completely new world. Well, para sa'kin sobrang bago ng papasukin ko dahil buong buhay akong sheltered, buong buhay ko nakaplano na dapat ganito at dapat ganyan. Saka minsan ko na ring pinangarap to eh, ang makawala sa buhay ko, maging ibang tao, pumunta sa ibang lugar at mamuhay ng walang expectations mula sa ibang tao.

With the thought that I'll be someone else soon, I gathered my things and made myself ready for my next exam.

Tinulak ko ang pinto palabas ng library nang bigla na lang gumaan yun, hinila pala ni Ryan na nasa kabilang side. 

"Hi V." bati niya sa'kin sabay ngiti.

"Hi din Ry, kumusta? :D May exam ka pa?" tanong ko sa kanya pagkabitaw ko sa pinto.

"Wala na. Party party na kami. Haha. Ikaw? Kumusta na pala yung problema mo? Okay na? Tayo na ba? Hahahaha" inirapan ko lang siya sa biro niya "May dalawa pa akong subj e. May solusyon na yung problema ko pero sorry to burst your bubble, hindi ikaw yun" sabi ko sa kanya sabay dila. Iniwan ko siyang napapangiti na lang at lumakad na para harapin ang natitira kong laban :D

****

Naghihintay ako ng order ko ngayon dito sa isang sikat na Coffee Shop sa labas ng university habang naghihintay kay Alette para iabot sa'kin yung mga documents na pinakuha ko sa kanya nang biglang magtext si Ryan. 

From: Chua, Ryan

 Am I not part of the Operation; Takas? huhu, my heart is shattered. :'(

Maid For Love [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon