04 / Savior

125 2 4
                                    

Nakakaasar. Magiisang linggo na akong hindi pinapansin ni Magenta. Invisible at dinadaan daanan niya lang ako. Kahit anong gawin kong approach sa kanya hindi rin siya nauubusan ng paraan para iwasan ako.

Kahit anong subok ko na magpaliwanag sa kanya at depensahan ang side ko, wala talaga. Kahit chance para magexplain hindi niya maibigay sa bestfriend niya. -__-

Nakakapikon! Nung unang tatlong araw naiintindihan ko pa kung masama ang loob niya at hindi pa kayang makipagusap sa'kin. Pero ngayon? Limang araw na teh? Goodbye na agad ng hindi muna ako binibigyan ng chance iclear yung issue? Arghhhhh!

Alam kong spoiled siya at ma pride, pero may pinagsamahan naman kami eh. Don't I deserve the benefit of the doubt? Hay. Sana naman kausapin na niya ako. 

Bumaba na ako ng kotse at naglalakad papasok sa University pero feeling ko may kakaiba. Sanay naman ako na laging pinagtitinginan at pinaguusapan pagpasok pa lang ng gate, pero parang iba ngayon? Iba eh, iba ang mga tingin nila sa'kin. Something's not right

"Grabe, I can't believe na ang panget at sobrang baduy pala niya noon"

"Oo nga girl, tingin mo nagparetoke siya?"

"Pero mas sobrang lala nung mga pinagagawa niya. Tsss. She's really a b*tch" 

Whatda...Ako ba pinaguusapan nila? Feeling ko oo, dahil hindi naman sila nahiyang iparinig sa'kin eh, With matching nakasunod eyes pa. Hindi naman ako t*nga para di maramdaman na ako yun.

Kahit pinagtitinginan nila ako, deadma lang. Wala pa akong clue kung ano talaga ang nangyayari eh.

Tuloy tuloy pa rin ako sa paglalakad ng biglang mag ring ang phone ko. Tumatawag si Ryan kaya sinagot ko naman agad.

"I'm really sorry V" sabi niya agad pagkasagot ko, kaya naisip ko na malamang may ideya siya kung ano ang nangyayari. Uminit na ng tuluyan ang ulo ko.

"You really should be sorry. What the fvck is happening?!"

"Look at the bulletin boards"

Hindi na ako sumagot at tinapos na ang tawag. Binilisan ko maglakad at ng makita ko yung tinutukoy niya, ito lang ang naging reaksyon ko -____- >////< T______T 

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Mga scandalous pictures ang nakapost sa bulletin board. Mga pictures ko na hindi ko alam nageexist pala. ASDFGHJKL..May mga pictures ko noon, nung high school ako. Pictures ng old version ko. Pero ang hindi ko masikmura ay ang mga pictures ng hubad na babae tapos merong pictures na may kasamang lalake. At muka ko ang nakalagay. This is impossible!

Ang dami nung indecent pictures..halos mapuno ang buong bulletin board. Tapos may isang malaking note na nakalagay "VIOLET ANASTASIA LIM. NERD TURNED TO A CERTIFIED WHORE"

Nakakuyom na ng madiin ang mga palad ko at nanginginig na ako sa galit. Sobrang pangiinsulto to. Kung sino man ang gumawa ng ganitong bagay.....It's just..this is inhumane. Hindi makatao.

Pilit kong pinakalma ang sarili ko. Kailangan kong makapagisip ng maayos. Hindi ako dapat magpadala sa galit ko dahil baka lalo lang akong mapahiya. Lumapit ako sa bulletin board at kumuha ng tatlong picture doon. Alam kong hindi ako yung babae dun at wala akong pakealam kung sino man yun. Pero sigurado ako na photoshopped to. Papatunayan ko yan, at mapapahiya ang walanghiyang gumawa nito.

Hindi na ako pumasok sa unang klase ko dahil dumerecho na lang ako sa library, iniscan ko yung mga pictures at nilagay sa library. Bwisit! Hangang dito sa library trending ako. Imbyerna talaga!.

Maid For Love [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon