05 / Something New

122 5 6
                                    

From: Chua, Ryan

Good Morning Violet :) Sunduin kita ulit ha.

Since that incident in the cafeteria, wala ng masyadong "malalang" prank si Magenta sa'kin. All she gives me are deadly looks and puro parinig. Deadma na lang ako. I shouldn't stress myself with the thought of her, Masasaktan lang ako eh.

To: Chua, Ryan

Sige lang =))) I know you won't take no for an answer. Matigas ulo mo eh!

So yeah, mejo si Ryan na ang buddy buddy ko ngayon. Hindi ko alam kung nanliligaw na ba siya or what, di naman kasi siya nagsasabi. Basta ako thankful na lang dahil at least may kaibigan ako.

Sweet siya at malambing. Corny at mahilig bumanat. Pero walang spark eh ::) Hindi ko alam kung manhid ba ako dahil di ako kinikilig pero baka immune na ako sa kilig, sa dami ba naman ng nagtangka, I seldom feel special na. Haha.

Narinig ko na may bumusina na sa labas kaya inayos ko na ang gamit ko at tiningnan muna ang sarili ko sa salamin for the nth time bago lumabas. 

Nakita ko na si Ryan na nakasandal sa gilid ng pinto habang nakashades. At for the first time, parang may pumitik sa pakiramdam ko =)) Ikaw ba naman umagang umaga mainit pa sa pandesal ang sumusundo sayo? Haha. Natrigger lang siguro ang malalanding cells ko. =))

"Good Morning gorgeous" sabi niya sa'kin at binuksan na ang pinto, pero bago niya isara may sinabi siya.

"Tsaa ka ba?" 8)

"Ha? Bakit?" mejo nagtataka kong tanong.

"Kasi TEAnamaan ako sa'yo eh"

Ohhhh. And I was like....baby? baby? Oooooh. Hahahahaha. ANG CORNY. SHET! =))))

"HAHAHAHAHA. Really? Dinadaan mo na ako sa mga banat na ganyan Ry? Ewwwwww! Naubusan ka na ba ng "style" at "strategy"? Hahaha"

Kinindatan niya lang ako at sumakay na siya ng kotse habang ako natatawa pa rin sa ka-cornyhan niya..

"Kung hindi ka Tea, siguro Coffee ka"

"O? Bakit na naman?" ::) sabi ko at inirapan siya.

"Ginising mo kasi ang natutulog kong puso" sabi naman niya with matching papungay ng eyes and kagat labi. Nakaasar lang dahil nagwawala ang malalanding cells ko. Pero periously, he's the first man who ever ever said something that...ano ba ang corny sa english? english na yun e =)))

"Tara na nga. Malalate na tayo eh" sabi ko at kinabit na ang seatbelt.

"Sa bilis ng takbo ng puso ko habang kasama kita, maging sobrang haba man ng traffic hinding hindi tayo malelate ;D"

Tama naaaaa~ Hahaha. 

"Awat na Ry, may bukas pa" ::)

"Sige na nga. Bukas naman kita babanatan, baka mabugbug ka na sa pagmamahal ko eh"

"Oo na! ::)" 

Pagdating namin ng University, bumaba na kami ng sasakyan niya at as usual, all eyes pa rin. Nagpaalam na ako sa kanya at dumerecho sa klase ko.

****

Grabeeee talaga yung prof namin sa Literature, wagas pag nagpahomework, parang thesis! Kaya eto ako ngayon papunta ng library dahil ang dami kong dala, yun lang ang pinakabest place para masimulan ko na to.

Maid For Love [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon