01 / V for Violet

185 3 4
                                    

I got a pocket,

got a pocket full of sunshine

I've got a love and I know that it's all mine

Take me away (take me away)

A secret place (a secret place)

A sweet escape (a sweet escape)

Pilit kong idinilat ang mga mata ko at tiningnan kung anong oras na. 5:30 Kailangan ko ng bumangon. Umpisa na naman ng isang nakakatamad na araw ito. 

Wake Up. Survive. Sleep. Yan ang laman ng araw araw na to-do list ko sa utak. At sa pagdaan ng araw lalo kong nararamdaman ang pagod sa paulit ulit na nangyayari sa buhay ko. Routine na nga eh, gigising, maliligo, kakain, papasok, makikihalubilo sa mga taong nakakasawa na at uuwi para matulog. Minsan magshoshopping kung trip ko maglakwatsa. Oh well, this is life.

Nagayos na ako at pumasok sa school. Pagbaba ko pa lang ng red Porsche 911 Carrera 4 ko hindi na mabilang ang mga matang nakasunod sa'kin. Haaay, ang ganda ko talaga ::) O baka naaamaze lang sila sa limited edition Louis Vuitton bag ko.

Habang naglalakad papunta sa locker may isang girl na kumaway sa'kin, nakita ko naman, pero hindi ko pinansin. Hindi ko type ang sense of style niya eh. Sorry na lang. Haha. Pagdating naman sa locker nakita ko sa Magenta, Ang campus BFF ko, kasama ang mga minions namin.

Sinalubong niya ako at nakipagbeso beso.

"Hi sis, good thing you're not late today"

"Maaga ang klase ko ngayon eh. For you nga pala" inabot ko sa kanya yung box ng Marc Jacobs "Daisy" perfume na alam kong favorite niya "Dumating na yung mga inorder ko from london kagabi" sabi ko sa kanya sabay abot ng bag ko dun sa girl na freshie at binuksan na ang locker ko. "Anong balita?" tanong ko pagkatapos niya magpasalamat.

"Ryan still ignores me." humikbi pa siya "What a jerk. And I saw him flirting with a b*tch yesterday"

uh oh. And Speaking of Ryan, may napansin akong kakaiba sa pumpon ng sobre sa loob ng locker ko. Kulay black siya at may kasama pang rosas. Alam ko kay Ryan galing to. Kinuha ko na lang yung sobre at patagong inilagay sa bulsa ko. Malaking gulo kapag nalaman ni Magenta na binibigyan ako ng sulat ng ex jowa niya.

"Hayaan mo na kasi siya, ang dami namang iba jan eh. Why not Troy the MVP? sikat rin naman siya sa Campus" sabi ko na lang sa kanya habang sinasara na ang locker ko. Inabot ko naman sa dalawa naming alalay yung mga chocolates. "Sa inyo na lang girls" tuwang tuwa naman ang mga bruha. Tss.

"I don't want to! Hindi pa nangyayaring ako ang iniiwan ng boyfriend ko. Hindi ko matanggap na siya ang nakipagbreak at hindi ako! I have to do something!" sabi niya habang nagpapadyak pa ng paa. 

Napabuntong hininga na lang ako. If it's some other day, baka tulungan ko pa siyang mag plot ng evil plan niya laban kay Ryan, but not this day. January na at dalawang buwan na ang nakalipas pero wala pa rin akong solusyon sa problema ko. 

Alam kong wala naman akong mapapala kay Magenta Ann Mendoza. Walang laman ang bokabularyo niyan kundi Shopping, Boys and Shopping. Kung wala nga siguro kaming mga "Friends" hindi yan aabot ng third year. Puro pasang-awa lang naman ang grades niya. Kung tutuusin siya ang epitome ng isang spoiled brat. Maganda, sexy, MAYAMAN at yung tipong "she always gets what she wants" pero kahit ganyan siya, she's the only one I can consider as my friend. Oh well, kahit hindi siya ang pinaka best friend ko, she's all I have.

"Okay girl, just keep me posted about your plan ha. I have to go na" nakipagbeso beso na ulit ako sa kanya at kinuha ang bag ko kay Anna, ang isa sa dalawang "alalay" namin. 

****

Pagpasok ko sa classroom hindi ko ineexpect na wala ng bakanteng upuan sa bandang unahan at nasa likod na lang, nakita ko pa na sa bandang likuran din nakaupo si Ryan. 

"Ohmygod girl, tingnan mo yung necklace ni V. Yan yung nakita ko sa Tifanny and Co. nung pumunta kami sa HongKong last week. Grabe nalula lang ako sa presyo"

"Grabe talaga. Pati yung bag niya pangarap ko na. Ang ganda ganda pa niya. Nakakainggit talaga si V"

Narinig kong pinaguusapan ako nung dalawang girl na nadaanan ko. Grabe sila magusap, hindi na discreet. Mukang ipinaririnig talaga sa'kin. As if naman may keber ako. Tss. kung alam lang nila ang buhay ko.

Ako nga pala si Violet Anastasia Lim. Oo Lim, chinese kasi ang tatay ko at half chinese ang nanay ko. 19 year old Business Administration student dito sa Miriam College. Maganda ako 8) Mayaman at part-time Model. Basta the likes, pero hindi naman ako spoiled brat. Malabo, hindi nga ako pinagbibigyan ng magulang ko. Haha. Marami silang tawag sa'kin. Marami silang sinasabi. Maraming naiinis sa akin at marami ring naiingit. Pero wala akong keber, nagaaral na lang ako at ginagawa kung anong gusto ko. B*tch daw ako, pero ang masasabi ko lang, hindi nila alam ang storya ko. 

Ang tagal dumating ng prof, nababagot na ko pero hindi naman pwedeng umalis dahil baka bigla siyang dumating. Naisipan ko na lang basahin yung sulat na bigay ni Ryan.

Hi Beautiful,

  Have you thought about my proposal already? Please give me a chance. If you're thinking about M, dont't worry. Whatever happened between us is all in the past. Just give me a chance to court you

                                            Ryan

Pagkatapos kong basahin, tinupi ko na lang ulit at inilagay sa bag ko. 

Patagal ng patagal nabubwisit na ako dito kay Ryan James Chua. Oo nga gwapo siya at habulin ng mga bakla sa campus. Pero hello ::) Ex kaya siya ng kaibigan ko. 

At naniniwala ako sa golden rule na bawal ang pagpatol sa ex ng kaibigan. Hello, bastusan yun e. Well, opinion ko lang naman. Kaya sa aming dalawa ni Magenta, kapag nanliligaw na sa'kin erase na yun sa mga prospect niya, kapag naman crush niya hindi na ako papayag na magpaligaw. 

Marami na akong naging boyfriends sa campus pero wala akong minahal talaga, kumbaga pinagbigyan ko lang sila =D then when they start to demand things I'm not ready to risk, Goodbye na. Bahala na sila, yun din ata ang isa sa mga dahilan bakit maraming girls ang hate ako. Ako kasi ang hinahabol ng mga pantasya nila :D

Nilabas ko na lang ang cellphone ko at tinext si Ryan.

To: Chua, Ryan

Please stop sending me letters. If you love your life, then don't mess up with M. Okay? If you wanna stay in my life, you have to be satisfied with being friends.

Kung tutuusin pwede naman maging friends kami ni Ryan, mabait naman siya at open naman kami ni Magenta na maging friends ang EXES ng isa't isa. But no "One More Chance" or "Switch" drama. Pag nagkataon world war III ang aabutin.

Nagvibrate ang cellphone ko maya maya.

From: Chua, Ryan

I do love my life, but I love you more. I don't mind about M. Ikaw naman talaga ang gusto ko simula pa lang, napilitan lang ako sa kanya dahil siya ang "nanligaw" Please, can't you trust me?

Mahal agad? PBB teens? =))) Kaya ayoko magmahal eh, ang babaw na ng basehan ng pagmamahal ngayon.

Gasgas na sa'kin yan. Sa dami ng nagsabi ng "I love you" sa akin wala namang napatunayang totoo. Sa sobrang gasgas, hindi ko na nga rin alam ang value ng salitang "I love you"  

Trust? Wala na rin akong tiwala sa salitang yan. Lahat ng taong pinagkatiwalaan at minahal ko hindi ako nagawang pahalagahan.. Mismong magulang ko nga hindi ko feel. Sorry na lang siya dahil may trust issues ako.

And as far as I remember, the last time I gave my trust to someone, I ended up picking up the pieces of my heart.

Maid For Love [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon