03 / Maling Akala

119 2 4
                                    

Isang araw na naman ang natapos.

Paguwi ko dumerecho ako sa kusina. Wala na naman sila Papa kaya malamang mga katulong lang ang kasama ko.

Papasok na sana ako sa kwarto pagkatapos ko kumain magisa, kaya lang naisip ko na ang laki ng bahay pero nasa kwarto lang ako palagi. 

Naisipan kong tingnan ang kwarto ni Ate Amy.

Ganun pa rin. Noon gabi gabi akong pumapasok dito nagbabakasakaling bumalik na siya, pero gabi gabi rin akong nabibigo kaya tinigilan ko na. Ngayon na lang ulit ako nagtangkang pumasok dito. At ganun pa rin naman. Walang nagbago. 

Akala ko noon tapos na. Akala na naman. Kelan ko ba matatandaang Walang TAMA sa AKALA? Akala ko pinakabongga na ang event with Skye for the century. Pero syempre, kasasabi ko nga lang di ba? Duhh, walang tama sa akala.

"Ana, gising. Gumising ka muna please"

"asjdfghksd---ha?" pinilit kong iminulat ang mga mata ko para tingnan kung sino ang makulit na istorbo sa pagtulog ko

"Ate?" napabangon ako nang makita kong bihis na bihis siya. Alas tres ng madaling araw may lakad?

"Ana..sorry" bigla niya akong niyakap at umiyak sa mga balikat ko. Tuluyan ng nagising ang diwa ko dahil sa mga pangyayari.

"Ha? Ate, ano bang problema? ano bang pinagsasabi mo" naguguluhan kong tanong sa kanya ng medyo humupa na ang pagiyak niya.

"Kailangan kong umalis Ana. Hindi ko na kaya dito. Ayaw intindihin nila Mama. Sumusobra na sila  Sorry kung iiwan kita. Sorry sa mga pagkukulang ni Ate sayo...Hindi ko kayang ipakasal nila ako sa lalaking hindi ko mahal. Sasama na ako kay Jason. Aalagaan mo ang sarili mo ha. Bye for now Anastasia"

Sa pinaghalo halong antok, pagkalito at pagkagulat hindi na ako nakapagsalita o nakapagtanong manlang kay Ate Amy. Hanggang sa nakalabas na siya ng kwarto ko nakatitig pa rin ako sa pinto.

Nangyari yun nung summer bago ako magcollege. At lalong nagkanda leche leche ang buhay ko pagkatapos ng gabing yon. Kinabukasan nagkagulo sa bahay. Ang laking eskandalo kasi ang naiwan ni Ate Amy. Isang linggo na lang bago ang kasal niya tapos bigla siyang nakipagtanan sa boyfriend niyang hindi ko alam na nageexist pala. -__- Simula nun lalong naging mahigpit ang mga parents ko. Lalong naging bilangguan ang malapalasyo naming bahay.

Hindi ko inaakalang magagwa ni Ate yun. Sa aming dalawa kasi siya ang mas favorite, siya ang madalas pinapaburan. In short, siya lang ang nakikita nila Mama. Pero kahit ganun, mahal ko siya at mejo naaawa rin ako sa kanya, kasi nakikita kong nahihirapan siyang palagi na lang sundin kung ano ang gusto nila Mama. Kaya siguro siya nagsosorry, dahil alam niyang mas magiging mahirap ang buhay ko pag umalis siya.

Simula ng gabing yon, I was completely lost. Yung nagiisa kong natitirang karamay nawala pa. I felt so helpless then. Siguro masasabi kong transition ko yun sa pagiging bagong Ako. 

And I have done something completely reckless.

"Waishter, ishang bote pa nga nung voshka" 

"Miss, lasing ka na. Kailangan mo sa sigurong umuwi" tiningnan ko lang ng masama ang intrimitidong lalaking pilit umaaagaw ng bote sa harapan ko.

"Wag mo akhong pakhealaman" sabi ko sa kanya at tinuloy lang ang pagtungga ko sa alak. 

"Kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon, hindi ka matutulungan ng alak. Wag kang magpapatalo sa mga problema mo." tiningnan ko lang siya ng masama sa sinabi niya. Wala siyang alam sa kung ano ang pinagdadaanan ko kaya wala siyang karapatang sabihin sakin kung ano ang dapat.

Maid For Love [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon