Maid For Love

504 6 6
                                    

00 - Prologue

"Vi, ipinapatawag ka ng Papa mo" napatigil ako sa ginagawa ko nang biglang pumasok si Yaya Lucita sa kwarto.

"Nandiyan na pala sila. Kailan pa dumating?" 

"Kaninang umaga lang"

"Ah sige, susunod na ko" sabi ko na lang at itinuloy ang ginagawa ko. Wala akong pakealam kung pinapatawag nila ako, malamang may kailangan na naman silang ipagawa sa akin. Feeling ko naman hindi ako importante sa kanila. Bihira nga kami magkita sa bahay na ito dahil madalas silang nasa ibang bansa at inaasikaso ang negosyo namin.

Pinalipas ko muna ng mga fifteen minutes bago ako bumaba at dumerecho sa library.

Pagpasok ko nagtaka ako dahil pati si Mama nandoon, usually naman kasi hindi sila magkasama kapag kakausapin ako.

"Maupo ka Violet" sumunod naman ako sa sabi ng pinakamamahal kong ama.

"May importante kaming sasabihin ng Mama mo sayo" tumango lang ako.

"Next year graduating ka na. Gusto naming malaman mo na ngayon pa lang ihanda mo na ang sarili mo para sa mapipili naming mapapangasawa mo" Naramdaman kong nanigas ang kalamnan ko sa sinabi niya. 

Heto na naman sila, nagpaplano para sa buhay ko. Napatingin ako ng nagtatanong kay Mama, pero hindi niya lang pinansin.

"May ipapakilala kami sa iyo Violet. And we expect you not to disappoint us unlike what your sister did" Tumango na lang ako. I know too well, hindi uubra kung tatanggi ako o makikipagargumento laban sa kagustuhan nila. Wala akong magagawa sa ngayon

"Ipakikilala namin siya sayo sa darating na bakasyon. Hindi pwedeng ngayon dahil graduating siya sa kolehiyo. Itatakda namin ang engagement niyo sa oras na magkaigihan kayo. At inaasahan namin ang kasal niyo pagkatapos mo sa pagaaral"

Sinubukan kong lunukin lahat ng mga protestang handang ilabas ng bunganga ko. Tumingin lang ako sa kanila. Why do they have to do this to me?

Oo, alam kong natural lang sa chinese family ang arranged marriage chuchu, pero ohmygod naman, 20th century na ngayon. Uso na ang half breeding. Actually hindi ko nga alam bakit pumapayag si Mama sa ganitong kalokohan, may dugong pilipino rin naman siya.

"Yun lang po ba? Pwede na akong bumalik sa kwarto ko?" Tumango lang si papa.

Sa tono ng pananalita niya alam kong hindi ko na mababali ang desisyon nila. Planado na nila ang buhay ko.

Kailangan kong magisip. October na ngayon, isang sem na lang at bakasyon na. At isang taon na lang itatali na nila ang buhay ko sa lalaking wala akong ideya kung sino. Masyadong mabilis. Kahit hindi ko matanggap kailangan ko munang umayon sa ngayon. Grabe, 19 pa lang ako. 25 ko pa planong magpakasal. Pero ano nga bang magagawa ko? Sila ang mga magulang ko.

Umakyat na ulit ako sa kwarto ko at naupo sa harap ng laptop ko. Tulala. Nagiisip kung paano tatapusin ang miserable kong buhay. LOL syempre joke lang =))) Napatingin ako sa picture sa tabi ng laptop ko.

Always and Forever

Kasinungalingan na forever yan. Pfft.

Litrato namin ni Skye yun nung first and only monthsary namin. Oo, isang buwan lang ang itinagal ng kalokohan namin dahil sinungaling siya. Pero nakakatawa dahil apat na taon na ang nakalipas pero nasa table ko pa rin yan. Masokista ako eh. Haha.

Napatingin ako sa labas at nakita ang malayang pagsayaw ng mga dahon ng puno. Buti pa sila, dahon lang pero may kalayaan. 

Hindi ko alam pero pakiramdam ko may bumulong sa isip ko na nakapagparealize sa akin ng mga bagay bagay.

Tama na. Tama na ang pagiging sunud sunuran sa mga taong nasa paligid ko. Tama na ang pagiging tonta sa maraming bagay. Hindi na ako papayag ngayon. 

Kailangan kong gumawa ng paraan

Maid For Love [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon