07 / Mystery Man

113 3 0
                                    

Kung nasa ulo lang ang puso. Nasabihan ko na sana to na si Ryan na lang. 

Eh dahil nga nasa dibdib ang puso at malapit ito sa lungs. Isa lungs. Siya lungs talaga.

Yak! Ang corny ko =))) 

Pero ewan. Siguro nga si Skye pa rin ang malapit sa puso ko.

Siguro ang role ni Ryan sa buhay ko ay kaibigan lang. Wala yung spark eh. Wala yung butterflies. 

Siguro ganun talaga minsan, hindi pwedeng piliin ang supporting characters ng storya mo. Baka ibang kwento ang nakasulat para kay Ryan. Hayy

Pagkatapos ng 4th Band niyaya ko si Alette na kumuha ulit kami ng food and drinks. And then pagbalik namin sa table nagtaka ako bakit andun sila Ryan.

"Wow! Bakit kayo nandito? Baka pagkaguluhan kayo! Hahaha" biro ko kay Ryan sabay suntok ng pabiro sa kanya.

"Pwede kaya kaming bumisita lalo na sa V.I.P table" tapos ngumiti siya ng malawak "Did you like it?"

I liked it! A lot.

"Yun na ba yun? Grabe, akala ko nagwawala ka lang" asar ko pa rin sa kanya na tinawanan lang nilang apat. 

"Ah ganon ah. Halikan kita jan eh" Bigla naman niya ako hinapit palapit sa kanya na ikinagulat ko. Tapos bigla niyang tinakip ang kamay niya sa bibig ko sabay kiss. 

Waaaaa. Akala ko nagbibiro lang siya kaya Hindi ko inaasahan yun. Masyadong mabilis tapos may tunog pa. Hahaha. So muka talagang kiniss niya ako kahit kamay naman niya yung nakiss niya. Pero shemay...Sobrang lapit pa rin nun.

Nakakahiya kay Alette at sa mga ka-banda niya. :-\

"Ito nga pala si Evan, Louie, at Sk---"

"Xander" putol ni Mr. Drummer boy na nagpapagulo ng nervous sytem ko. Pero bat parang iba yung name na sasabihin ni Ryan?

"Hi, Nice meeting you all. Ang galing niyo kanina" sabi ko sa kanila pagkatapos nila makipagshake hands isa isa sa'min ni Alette.

"Sana kayo na manalo" sabi ni Alette bago sila pumunta ulit sa backstage. Sana nga ::)

Maya maya lang nagstart na ang second part ng Battle of The Bands at pagkatapos ng first Band "The Fallen Angels" na ulit ang nasa stage.

"Our second song for tonight is "Secrets by One Republic" at bibigay ko muna kay Evan ang micropono"

si Evan naman ngayon ang kakanta tapos si Louie ang nasa gitara. Si Ryan naman naglabas ng violin. 

Ansabeeee? =))) Ang daming talents ng mokong ah. Singer, Guitarist tapos violin pa. 

I need another story

Something to get off my chest

My life gets kinda boring

Need something that I can confess

'Til all my sleeves are stained red

From all the truth that I've said

Come by it honestly I swear

Thought you saw me wink, no

I've been on the brink, so

Tell me what you want to hear

Something that were like those years

I'm sick of all the insincere

So I'm gonna give all my secrets away

Maid For Love [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon