02 / The End

166 5 11
                                    

[flashback]

Today is the Day. =)) Excited na ako ibigay ang surpirse ko kay Skye. Excited na akong malaman kung matutuwa ba siya sa surpresa ko. Sana naman po.

Birthday kasi bukas ng pinakamamahal kong boyfriend. Sayang nga eh, kung makakatakas lang sana ako sa mga bodyguard ko bukas, edi sana bukas ko na lang ibibigay yung surprise ko sa kanya. Hay, ang malas pa dahil nagkataong bukas ang uwi nila Papa galing China. Pero ayos lang yun, ang mahalaga may regalo ako para sa kanya  ;D

Oh well, mabuti pa puntahan ko na siya sa Field. :">

Pagkatapos ko masiguro na ayos na lahat ng dapat ayusin, bumaba na ko mula sa rooftop ng school building. Hindi niya alam na nandito pa ako sa school, nagtext kasi ako kanina na maaga ako uuwi kaya hindi ko mapapanuod ang after class practice nila. 

Tiningnan ko ang relo ko at nakitang 6pm na. Sakto, tapos na siguro ang practice nila. 

Pagdating ko sa soccer field nakita ko na wala na ngang tao except dun sa janitor na naglilinis ng mga benches.

Patago akong pumuslit papunta sa locker's area. Hehe :"> alam kong bawal ang mga girls dun kaya nga patago di ba? Nagkubli ako sa likod ng pinto ng makita kong wala pa si Skye dun, mga kateam mates niya pa lang. Siguro nasa shower pa siya.

Mga 5 minutes na akong nakasalampak sa sulok at naghihintay ng marinig kong nagtatawanan yung mga team mates niya.

"Nakakaasar. Talo na ako sa pustahan natin. Akala ko talaga hindi bibigay yung nerd na yun" narinig kong sabi nung isa, hindi ko makita yung muka pero tingin ko si Dylan yun, close friend ni Skye.

"Ikaw naman kasi pare eh, Wala kang tiwala sa manok natin! Gagaling pa yun! Kaya nga tinetrain natin di ba?" sabi naman nung isa pa na hindi ko matukoy kung sino.

Kinukutuban na ko. Ewan ko, parang biglang may sumundot sa gut feeling ko na nagpapahiwatig na dapat akong kabahan. 

"Akala ko naman kasi mahihirapan siyang mag adjust eh. Saka ang alam ko nasaktan talaga siya ng sobra kay Sophia. Malay ko bang kagagatin niya yung dare natin sa kanya? nakamputs naman, sayang din yung 50k ko. HAHAHAHAHAHA" 

Narinig kong nagtawanan silang lahat. Mga lima ata sila na nagtatawanan.

Sophia? Ang alam ko siya yung pinaka Queen Bee dito sa school last year eh. At siya rin ang ex ni Skye :-[

Pero bakit siya ang pinaguusapan nila? Hindi naman siya papasok sa usapan...unless si Skye ang topic. :\ 

Kahit pakiramdam ko masasaktan ako sa susunod ko pang maririnig, hindi ko nagawang umalis sa pwesto ko. Maya maya narinig ko silang naghiyawan na naman.

"O nandito na pala si Skye eh! Ang galing talaga ng manok ko. I-congrats niyo ko mga tol" narinig kong sabi nung kausap ni Dylan kanina.

"Ang galing mo talaga! Lagpas isang buwan na kayo nung Violet!"

0___()

-____-

>____<

Napatutop ako sa bibig ko ng marinig ko ang pangalan ko. Violet. Hindi ako pwedeng magkamali. Ako lang naman ang Violet at ako lang ang girlfriend ni Skye.

Napaisip tuloy ako...Ako nga lang ba?

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Masyado pa akong nashoshock. Hindi ko matanggap na pinaglaruan lang pala ako ng lalaking mahal ko. At malamang paglalaruan pa :'(

Maid For Love [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon