Chapter 5

45 3 0
                                    

Dumbfounded


"Miss dela Torre, have you seen the report?" Tanong ng aking sekretarya.

"Yes, Mariel," sagot ko. "Call all the drugstores with our Ambroxol products that we will pull that out from the market, immediately."

"Pero, Miss Dela Torre, paano ang sales natin?"

"Buhay ng mga tao at pangalan ng kumpanya ang nakasalalay rito. I can afford to lose the money but I can't afford to lose the company's reputation!"

"Okay, right away, Ma'am!"

Ang MedLink Lab na naman ang inihain sa balita. May dinala na naman daw sa ospital dahil sa Ambroxol ng kumpanya na peke naman

"Call the Quality Control Team for an urgent meeting, Mariel," utas ko. "Now!"

"Yes, Miss!" Tumango si Mariel at nagmamadali nang naglakad palabas ng opisina.

I groaned in frustration. Malaking problema na naman ito para sa kumpanya. Siguradong-sigurado akong isisisi at ibubuntong na naman ng lahat sa akin ang kamalasang ito.

Napatingala ako sa blangkong kisami.

Daddy, ano'ng gagawin ko?

Mas lamang bumigat ang loob ko nang maalala ko si Daddy. Sa tuwing may problema ako, nahihirapan ako o hindi kaya ay hindi alam ang gagawin, palagi niyang sinasabing walang problema ang hindi nalulutas.

I cannot cry now.

I should never show any kind of vulnerability.

Biglang pumasok si Czar sa opisina. Hindi man lang kumatok. Ni hindi man lang ako sinabihan ni Mariel.

Napatayo ako sa swivel chair.

"You can't just barge in my office, Czar!" Angil ko.

"Don't get angry with me, Dela Torre. You should be thankful, I'm here to help," he said, cockily.

Sa mga panahong ganito, hindi ko nga alam kung ano'ng dapat kong maramdaman. Nasanay akong singhalan siya ngunit hindi ko minsan alam kung talagang nakasanayan ko na lang o totoong galit ako sa kanya dahil sa pamilya niya. Hindi ko mawari kung humupa ba o nananatili pa rin ang galit ko sakanila. Hindi ko itatanggi, minsan, nagpapasalamat ako dahil nand'yan siya upang tulungan akong lusutan ang mga problema kom

"You withdrew the medicine in the market?" He asked.

Napalunok ako. "Yes." Medyo nag-aalangan pa akong sumagot. Hindi ko rin kasi alam kung naging tama ba ang naging desisyon ko kaya hindi rin ako kampante sa sarili ko ngayon.

"Good." Nang marinig ko ang kumento ni Czar ay tila naibsan ang aking kaba at pagkabalisa. His word gave me an assurance that things will get better, somehow.

"Ano'ng susunod mong gagawin?" Tanong niya sa akin. Napakurap-kurap ako.

"Pag-iisipan ko pa," sabi ko. "I plan to talk to the Quality Control team and conduct an investigation."

"Mislabeling lang nga ba iyon?" Napahalukipkip si Czar at seryosong tumingin sa akin.

"I felt like its planned," I answered, simply. I know he agrees with me.

"I'll interrogate my employees and see the results. After that, I'll know what to do, Czar," sabi ko. Pero, syempre, hindi ko sasabihin sa kanya.

He's helpful. But, I just do not trust him. Mayroon talaga siyang awra nang pagiging pilyo.

MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon