Chapter 10

38 5 0
                                    

Harap ng Altar

"Set a meeting for Isador, I need to talk to him," ani ko 

Nagsimulang magtipa si Mariel sa kabilang mesa. "When would you like the set an appointment, Miss President?"

"Tomorrow, first thing in the morning," I answered.

Mariel stopped typing and stared at me as if I have forgotten something. Hindi na ako nag-atubiling punain ang reaksyon niya.

"Huwag mo akong tingnan ng ganyan, Mariel," sabi ko. "May meeting ba ako sa ganoong oras? We can move the time. Ang importante ay makausap ko siya ng personal bukas."

"Miss President, hindi ka po pwede bukas. You will be very busy the whole day," she said.

Mariin kong tiningnan ang aking sekretarya. Hindi ko mawari kung bakit buong araw ako magiging abala bukas.

"I don't remember any important appointment tomorrow," I said, dryly.

Kumawala ng malalim na paghinga si Mariel. "Tama nga si Sir Czar," wika niya at napayuko.

Czar? Ano na naman ba ito?

Nagtagpo ang aking mga kilay at natigil sa pagbabasa ng mga papeles na nakakalat lamang sa aking mesa. Kasing gulo ng mesa ko ang utak ko ngayon. Just like a piece of bond paper, my mind is totally oblivious of what is happening.

Napahilig ako sa aking swivel chair. My back, that was aching for hours, felt an immediate relief. I've been working day and night this past weeks. Marahil ay tama nga sila. Hindi pa ako handa. Ang bata ko pa para sa posisyong ito. It takes me to more time to digest and understand certain things before I could take actions. I know my pacing is quite slow. But, as much as possible, I want my plans to be efficiently executed and effective. 

"Care to tell me, Mariel?" Napataas ako ng kilay habang tinitingnan si Mariel. 

"Hindi po ba nasabi sa inyo ni Sir Czar?" Tanong balik ni Mariel.

Oh, the culprit! Ano naman ba ang ginawa niya? At, bakit niya gagawin ito?

"I did not talk to him since that day when he refused to sign the marriage contract," I told Mariel. Habang inaalala ko ang araw na iyon, hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng pagkadismaya.

Czar just failed me. His refusal is a big slap on my pride!

"He made a whole day appointment with you tomorrow," Mariel said.

Napairap ako at napailing. Bumalik ako sa pagbabasa ng mga papeles. "Kung papayag siyang maging asawa ko, ibibigay ko sa kanya ang buong araw ko."

Napatikhim si Mariel. "Actually, you are scheduled to go to the Salvaloza's atelier."

Bahagya kong tinagilid ang aking ulo. Bahagya ring kumunot ang aking noo sa sekretaryang nanatiling nakatayo sa harap ko. Seryosong-seryoso ang kanyang mukha.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong. "Do I have to attend any company's ball?" 

Nawala yata sa utak ko. Pero, bakit wala talaga sa memorya kong may piging. Why does it not ring a bell?

Umiling si Mariel. "Hindi po, Miss President."

"Then what is it, Mariel?" Tanong ko. Nagsalubong ang aking kilay sapagkat bahagya na akong naiirita.

"Para po sa kasal niyo." Mas lalong bumaba ang boses ni Mariel nang isinambit iyon. Kung hindi lang malakas ang pandinig ko, marahil ay hindi ko na iyon narinig.

Agad akong napatayo. I unconsciously slammed my hands on my table. "KASAL?!"

Tahimik na napatango si Mariel. "Mr. Cervantes said that the wedding will push through as scheduled kaya kailangan na pong simulan ang preparasyon."

Tila may pumutok na ugat sa aking noo nang marinig iyon. "What? Tumanggi siya sa alok ko, hindi ba?" 

That Cervantes... I thought as my hands curled into fist.

Nang inalok, tumanggi. Tapos ngayon, magdedesisyon nang walang paalam? May mapaniniwalaan ba sa lahat ng sinasabi niya?

Why is he always acting in contradiction of what he's saying? 

Mariin akong napapikit. I need to calm my nerves down. Tila ilang milya ang kinaripas ko ng takbo sa bilis ng pintig ng puso ko. I can even feel my pulse beneath my skin.

"Has he not contacted you, Miss President?" Mariel asked.

"I wouldn't be this shock if he did," I replied. 

Napatingin ako sa aking phone. I have to call him now. I started scrolling for his name on my phonebook.

Napairap ako sa aking sarili nang matantong nai-block ko pala ang kanyang number.

I removed it from my blacklist and called him immediately.

Hindi nagtagap ang pag-ring. Agad niya itong sinagot.

"Czar-" Bungad ko ngunit agad niya akong pinutol.

"Good timing! I was about to buy a new sim for you!" He said sarcastically. 

"Akala ko ayaw mo ng kasal?" Diretsahan kong tanong. I felt my brow palpitate in irritation. "Huwag kang paulit-ulit ng usapan. You refused, remember? Bakit bigla mo nang gusto? Ngayon, nang-aapura ka."

"Kailangan nating madaliin ito kung gusto mong maisalba ang pamilya mo sa hiya," sagot niya.

"But, my point here is you refused!" I snapped.

"I refused you at first because I take thing seriously, Jhoanne!" Biglang tumaas ang boses niya.

I felt my heart skipped. Sa tuwing galit ako, palagi siyang kalmado. Ngunit ngayon, ayaw niya nang magpatalo. He even raised his voice over the phone.

Napalunok ako. I was too dumbfounded that I went lost for words. 

"Para sa'yo laro-laro lang ito," pagpapatuloy niya. Ngunit ngayon ay mas naging marahan ang kanyang pananalita. "Para sa akin seryosong usapan ito."

Tila may kung ano'ng kumurot sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Ngunit, ang kabang nararamdaman ko ay kakaiba. 

Dapat talaga akong kabahan kung takot ako. Ngunit ni kaunting takot, wala akong naramdaman.

"I don't want your fake marriage contract," Czar spatted.

I shuddered when he said that. I felt my gut churned. What is this feeling?

"I-It w-was not fake!" I corrected. Gusto kong sampalin ang sarili ko. Ngayon naman ay nauutal na ako. I felt my composure losing.

"I want a real wedding ceremony. Gusto ko sa harap ng altar," aniya.

💍

MysteryKde žijí příběhy. Začni objevovat