Chapter 14

49 4 0
                                    

Black Folder

Napalunok ako ng kape habang iniisip ko ang susunod kong gagawin.

Mas lalo lang nagiging mahirap ang mga pangyayari. Hindi ko mahuli-huli kung sino ang pumatay sa ama ko. Mukhang hindi rin sasang-ayunan ni Czar ang mga plano ko. 

Should I make the company go public?

Heck no! Kung lahat kami sa pamilya ay ibebenta ang stocks, paano ko mahuhuli ang totoong pumatay sa ama ko.

Mapagkakatiwalaan ba ang isang Cervantes?

If there's one thing life thought me, that should be the world is merciless. So, I have to be ruthless. Hindi dapat akong umasa sa iba. Hindi dapat akong magtiwala lang sa iba.

But, why am I making Czar an exception, now?

Tila hinila ako mula sa malalim kong pag-iisip nang narining kong may bumukas na pinto. Dahan-dahan akong napalingon upang tingnan kung sino iyon. Bumungad sa akin si Marielle, hawak-hawak ang isang itim na folder. 

"Ano 'yan, Mariel?" Tanong ko.

Mariin ang kanyang mga tingin dahilan kung bakit pinaningkitan ko siya ng mga mata.

"Pinapaabot ng private investigator niyo," ani ni Mariel. 

"At ang private investigator?" Tanong ko. 

"Naghihintay sa labas," aniya. 

Binaba ko ang aking kape at napaupo ako sa aking swivel chair. "Papasukin mo," ani ko.

Agad siyang lumabas ng aking opisina. Napataas ako nang kilay. Hindi niya man lang binigay muna sa akin ang itim na folder. 

It has been the first time, I am seeing Mariel like this. She has always been the type of person that is composed. Ilang taon din siyang naging sekretarya ng aking ama. Ang bawat galaw niya ay sigurado dahil na rin sa ilang taon niyang karanasan. Pinagsalikop ko ang aking mga kamay.

hindi ko maiwasang hindi mag-isip ng masama. Paano kung nasa malapit lang pala ang tunay na salarin?

Pumasok ang private investigator na dala ang itim na folder. 

"Bakit hindi ka pumasok agad?" Tanong ko.

"Sabi ng sekretarya mo, abala ka raw," tugon naman nito.

Nagtiim-baga ako. "She might have assumed. Patingin nga ng folder."

Walang pag-dadalawang isip na nilapag ng imbestigador ang folder. Binuksan ko ito upang tingnan.

"Base sa mga nakalap kong impormasyon, malinis ang mga Cervantes," wika ng private investigator.

"Nang na-aksidente at nasa ospital ang ama mo, nasa ibang bansa si Baron Cervantes. Si Czar Cervantes naman ay nasa university nang naganap ang pangyayari. Wala sa mga Cervantes and nakakaalam ng nangyari kay Mr. Abelardo Dela Torre. Tanging ang mga nasa ospital lang noon ang nakakaalam sa nangyari."

The Cervantes has been cleared out of the picture. Now, what?

"I'll be reading through these documents when I have the time." Inangat ko ang aking tingin sa private investigator. "Thank you very much."

"Miss Dela Torre, I've sent you an email," he said.

Napatingin ako sa umilaw kong phone. Nakatanggap nga ako ng email mula sa kanya. Ibinaling ko mula ang aking tingin sa pribadong imbestigador.

"Pakitingnan niyo po muna," aniya.

I swiped my phone up to open the email. Napatingin ako sa aking screen.

MysteryKde žijí příběhy. Začni objevovat