Chapter 1

87 6 1
                                    

I Choose Who I Fall

"Well, well, the phenomenal best of friends are here." Adison Perez went to us again to ruin our day. Syempre, kasama niya ang tatlong tapat na alipores niya.

Bea was glaring at me. Ava looked at us from head to toe. Mara had her smug look on.

I'm already a college student but I can't get enough of a highschool-like drama.

Hinawakan ko sa braso si Sky. "Halika na, gutom na ako."

Wala namang punto kung papatulan namin ang pinsan ko. Walang puntong pag-aksayahan siya ng enerhiya.

Sky shove my hands away. Pinandilatan niya si Adi. "Are you here to praise us and bow down before us, Adi?"

Sumalpok ang mga kilay ni Adi at napasinghal. "Umasa ka, Skylar!"

Marahang tumawa si Sky, aliw na aliw sa reaksyon ni Adi. Sky raised her hands and clasped it together. "But, I hope for you to do it."

Kinuyom ni Adi ang kanyang mga panga. Ang kanyang balikat ay tumataas-baba dahil sa malalim na paghinga. "Hindi ko alam kung may natitirang hiya pa ba dyan sa kalooban mo. Hemophile!"

Nanlaki ang mga mata ni Sky at napaawang ang kanyang bibig. "No, I'm not!"

"Yes, you are!" Giit ni Ava. "Hindi ko alam kung ano'ng panlalandi ang ginawa mo sa sarili mong pinsan. Nakakadiri ka!"

"Mas nakakadiri ang cougar, Ava. So, shut up!" Sky bursted. She was already flushing red. Kung kutsilyo lang ang kanyang mga titig, marahil ay natadtad niya na nang pinong-pino ang pinsan ko at ang mga kaibigan nito.

"Don't talk to Ava like that. Walang modo!" Matinis ang boses ni Adison. Pinagbuhatan niya na ng kamay si Sky.

Agad ko itong sinalo. "Not my bestfriend." Tinitigan ko siya ng may pagbabanta at itinulak palayo. Nawalan ng balanse si Adi at natumba sa sahig.

I can here the oh's and ah's of the other students around us. Lahat ng titig nasa amin na dahil sa ginawa na naman naming eksena.

"You ruined my designer shoes!" Adi cried out.

"Malay ba naming Class A 'yan!" Sigaw ni Sky.

Agad ko namang siniko at sinaway ang kaibigan ko. "Hindi si Adi ang iniinsulto mo. Iyung designer na. Below the belt ka na ha."

Napairap sa akin si Sky. "Jho? Hindi ka ba marunong kumilatis? Class A 'yan. I have the same of that pair of Louboutin and I can say that mine is the original."

Mariin akong napapikit. Nakakahiya ang bunganga ni Sky! Can she learn some restrain?

Walang preno ang bibig ni Skylar. Napakagat-labi na lamang si Adi at napaluha-luha. Mukhang batang inagawan ng candy.

Just that moment and as if on cue, the crowd cleared the way for Czar Cervantes.

I can't help not to scoff.

"Czar, pagsabihan mo 'yang pinsan mong mag-ayos-ayos. Hindi marunong rumispeto sa nakatatanda," sabi ni Adi.

"So, inaamin mong matanda ka na? Bakit parang bata kang spoiled kung umasta?" Napameywang si Skylar.

Napatingin si Czar sa akin. Kahit hindi niya sabihin alam ko na ang litanyang nais niyang sambitin.

This is all your fault, Jhoanne.

Nevertheless, I kept a straight face. Hindi ako magpapatinag sa isang Cervantes.

Napakuyom ng panga si Czar at dahan-dahang napailing sa akin. Napataas ako ng kilay at napairap.

MysteryWhere stories live. Discover now