Chapter 1

36 3 0
                                    

First day of school. Excited at the same time kinakabahan si Paris dahil unang araw din nya ito sa bagong school na kanyang lilipatan. Ang Aces University o AU. Wala sya masyadong alam tungkol sa iskuwelahan na iyon bukod sa pangalan nito. Hindi sya nag tanung tanung tungkol dito dahil sa tingin nya ay parepareho lng naman ang mga school maliban lamang sa mga pangalan nito.

" Paris !!!! ".

napalingon si Paris sa kaliwang direction ng kalsada at nakita nya ang dalawang kaibigan nya na tumatakbo palapit sa kanya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

napalingon si Paris sa kaliwang direction ng kalsada at nakita nya ang dalawang kaibigan nya na tumatakbo palapit sa kanya.

Sabay sila na yumakap sa kanya dahilan para mawala sya sa balanse at muntikan ng matumba. They where giggling while hugging her. " ganyan ba kasaya mag aral sa AU at ganyan kayo sa first day of school? ". tugon nya sa dalawang kaibigan habang may malaking ngiti sa kanyang labi.

" excited talaga kami. Kasi finally magkakasama na tayong tatlo sa school !! ". bakas ang ngiti sa mukha ng kanyang kaibigan na si Iris. "siguradong magiging masaya ang school year na to "

Napabuntong hininga naman ang isa pa nyang kaibigan na si Hannah habang nakataas ang isang kilay nito at nakatingin kay Paris "Hhhaaayyyyy! At last lilipat ka na din. Alam mo ba kung gaano kaboring na makasama si Iris sa school? ".

" wow ha! Coming from you? ". patanung na sagot ni Iris. " sino kaya yung palaging nag aaya na tumambay sa napakatahimik na library para lang makita yung crush nya".

"nag reklamo ka pa. Eh sumasama ka naman".

"mukhang meron kayong dapat ipakilala sa akin ah". nakangiting sabi ni Paris habang nililipat lipat nito ang tingin sa kanyang mga kaibigan. Nalipat ang kanyang paningin sa bus na malapit ng umalis

" teka. Dun ba tayo sasakay? ". napatingin ang kanyang mga kaibigan sa bus na tinuro nya. At namilog ang mga mata nito ng makita nila na paandar na ito

" sh*t maiiwan tayo ng bus ". nag papanik na wika ni iris

" tara na! ". hinila ni Hannah ang dalwang kaibigan at nag simula na silang tumakbo para makahabol sa paalis na na bus






Habang nakasakay sa bus nakatingin si Paris sa bintana at tinitignan ang mga nadadaanan na magandang tanawin. Habang nag iisip ito tungkol sa unang araw ng pasukan.

" sana naman hindi toxic yung mga studyante sa AU ".

Naputol ang pag iisip ni Paris ng bigla nalang huminto ang bus. Dahilan para masubsub ang kanan na bahagi ng mukha nya sa sandalan ng upuan na nasa harap nya
" Aayyy kalabaw!!! "

Hinawakan nito ang pisngi nya at tumingin sa paligid para tignan kung may nakakita ba sa pagkasubsub nya. Nag init ang mukha nya  ng makita nya ang isang lalake na nakaupo sa kabilang side ng upuan.

He was smirking while looking at her. " sh*t! Nakakahiya ". sabi ni Paris sa sarili habang hawak pa din ang kanyang pisngi

Biglang tumayo yung lalake, nakangiti pa din ito habang umiiling pagkatapos ay nag lakad na ito pababa ng bus. Habang naiwan naman si Paris na tulala at nakatingin pa din sa kaninang inuupuan nung lalake na ngayon ay bakante na.

" huy! Ano na girl? Road trip? Ayaw bumaba".

" huh?... ahh... s-sige ". nauutal na tugon nya kay Hannah

" hanap na kc ng jowa. Para hindi upuan yung hinahalikan" natatawang sabi ni Iris bago ito nag lakad pababa ng bus.









" Hello. I'm Paris Gray. 18 years old. I'm a transfer student. And im looking forward on meeting some new friends". nakangiting pagpapakilala ni Paris. matapos magpakilala ay sinabihan sya ng kanilang Professor na umupo na sa bakanteng upuan sa bandang likod ng classroom.

Mag uumpisa na mag sulat si Professor Santos sa white board ng biglang may dumating na babae at tumigil ito sa may pinto. Nakahawak ang isang kamay nito sa kanyang tuhod at ang isa naman ay sa pinto. Habol nito ang pag hinga dahil sa pag takbo.

" Well Goodmorning Ms. Too early for your first day". nakataas ang isang kilay na sabi ni Prof. Santos.

" sorry Sr hindi na po mauulit ". nakangiting sabi ng babae.

Bumuntong hininga si Prof. Santos bago muling mag salita. " better not. Pumasok ka na and introduce yourself ".

Nag lakad ito papunta sa gitna at nag pakilala habang malaki ang kanyang ngiti. " Avie Yen Salvador. 18 years old. And.... Hello again classmates ". masiglang bati nito.

Dahil matagal naman na nag aaral si Yen sa AU ay hanggang duon nalang ang kanyang naging pag papakilala. Pagkatapos ay umupo na ito sa bakanteng upuan sa tabi ni Paris. Hindi nito mapigilan na mapatitig sa mukha ni Yen. Maganda ito at bakas sa mukha nito ang pagiging masiyahin

Lumingon si Yen kay Paris at ngumiti. " Hello. New student? ".

ngumiti din si Paris dito bilang pag tugon at tumango. " Paris Gray ". inilahad ni Paris ang kanyang kamay bilang pag papakilala at tinugon naman iyon ni Yen.

" Avie Yen Salvador. nice to meet you ". ani Yen na matamis ang ngiti

Nag simula na ang klase at tahimik ang lahat. habang nag susulat napasulyap si Paris sa bintana at napako ang kanyang paningin sa lalakeng nag lalakad. " ang gwapo naman nito". sa isip ni Paris

Ipinatong ni Paris ang kanyang baba sa kanyang kamay. Habang nakapatong naman sa arm chair ng kanyang upuan ang kanyang siko. She was day dreaming about the handsome guy.

Laking gulat nya ng biglang napatingin sa kanya yung lalake. Nataranta si Paris at umiwas ng tingin. Kinuha nya bigla ang ballpen nya na nakapatong sa arm chair nya. Sa pag mamadali ay hindi na nito napansin na baliktad pala ang hawak nya sa ballpen. Magsisimula na sana syang mag sulat pero napatigil sya ng mapansin na baliktad ang kanyang hawak.

Napapikit si Paris at kinagat ang kanyan labi. " ano ba Paris! ". sa isip nito

Luminga sya ulit sa lalake at lalong nag init ang kanyang mukha ng makita nya itong nakatingin pa din sa kanya habang nakangiti. " naloko na".




Kalagitnaan ng klase ng mag salita si Prof. Santos. " Mr. Gray ".

tumigil si Paris sa kanyang ginagawa tumayo sya at tumingin kay Prof. Santos. " yes Sr? ".

Sandaling napatitig si Prof. Santos sa kanya. bakas ang pagtataka sa mukha nito. " yes Paris? ". balik tanung nito sa kanya. Kumunot ang noo ni Paris habang nakatingin sa professor.

" Ahh... tinawag nyo po ako ".

tinaasan sya ng kilay ni Prof. Santos bago ito muling mag salita. " i said sr. Are you a sr? ". nag tawanan ang kanyang mga kaklase habang nakatingin sa kanya. Ramdam nya ang pamumula sa kanyang mukha dahil sa hiya.

Tumikhim naman ang isang lalake na nakatayo sa pintuan ng classroom. Lumingon duon si Prof. Santos at sumenyas para pumasok ito. pag pasok nito sa classroom ay may iniabot ito na folder kay Prof.

" Sr pinapabigay po ni Ms. Mercado".

inabot ni Prof. Santos ang folder at nag salita. " ok thankyou. MR. GRAY". Pinag diinan pa nito ang huling salita na kanyang binanggit.

Lalong namula ang mukha ni Paris sa pagkapahiya. Tumingin sya sa lalake na tinawag ni Prof. Santos na Gray. At nakita nya na nakatingin din ito sa kanya. Namilog ang kanyang mata ng makilala ang lalake na ito

" sya yung lalake kanina sa bus! Juice colored doble kill Paris!! ".

Midnight StarsWhere stories live. Discover now