35- Not Everything

762 8 1
                                    

Natameme nalang ako tapos hinila na ako ng tuluyan ni Li palabas ng gate nila. Takbo lang sya ng takbo nun at sinusundan ko lang sya, hindi ko alam kung kelan sya hihinto pero mukhang wala ata syang balak.

“Li!” hinihingal na ako masyado. “t-teka lang! pagod na ako” hinawakan ko naman sya sa braso nya nung maabutan ko sya tapos nagulat nalang ako nung iniharap ko sya sakin.

“hey..” she’s crying again. Sobrang naguguilty na talaga ako sa ginagawa ko. I shouldn’t have come in the first place. “I’m really sorry”

Umiling naman sya “I did not expect that” magtatanong pa sana ako kung ano yung tinutukoy nya kaso lang parang alam ko na rin.

“Alam mo, tama na to. I’ll leave you alone now, I’ve known so much, you’ve been in so much pain because of me, ayoko na”

“hindi ko lang naman ginagawa to para sayo eh, para rin to sakin, Cedie. Sabi nga ni mommy, sadness divides when shared. Tama sya”

“tama na nga muna yung iyakan, ang aga-aga eh” pinunasan ko naman ng thumb ko yung luha nya, inalis naman nya agad yung kamay ko.

“may kamay ako, may pamunas ako” natawa nalang ako. Okay, I almost forgot na sya nga pala si Li.

“anong tinatawa-tawa mo dyan? Abnormal ka ba?”

“ang bilis mo ring makarecover no? masungit ka na ulit, kaya kampante na ako” pinat ko naman sya sa ulo nya.

“tigilan mo yan, mababali kamay mo!”

“relax! Sungit!” naglakad naman na kami papalabas sa may kalsada.

“how did you—“… “sya ba yung daddy mo?” nagulat naman kaming dalawa kasi nagkasabay pa kami. Ako naman yung unang sumagot

“Family friend naming yung mga Villamayor, nameet ni dad si Mr. Villamayor sa states nun, then ayun, naging close sila”

“yeah” huminga pa sya ng malalim “it’s him” nakatingin lang ako nun sa kanya. Ayoko nang magtanong kasi baka mamaya nyan, umiyak nanaman sya.

“instead of staring at me like that, magtanong ka nalang nga”  nagulat naman ako na napapansin pala nya. Geez.

“ah—eh, narinig ko na kasi yung nangyari from Tina. Pero kasi, may anak sila na 12 years old, ngayon, kaedad ng sister ko, kaya parang ang labo lang, paano nangyari yun?”

“four years old ako nung nangyari yun. My dad hid what happened to my mom. Kevin’s mom’s about my dad’s age that time, after grad kasi nagturo agad sya, few years after, nagmeet sila ng mom ni Kevin sa klase na tinuturuan nya. Nalaman nalang naming na nagresign na sya as a professor, eight years later, nalaman ni mommy na tinanggal pala sya dahil sa relationship nya with a student. He brought them to the states with him to hide them from us, he used his business as an excuse. For eight years, ganun yung sistema, uuwi sya rito for Christmas and new year, then he’ll spend the rest of the year with them. How could a person do that?” akala ko umiiyak nanaman sya pero this time, more on galit yung nakikita ko sa mukha nya.

“Have you met them?”

“They went on my mom’s funeral. Pero hindi naman ako plastic para maging masyadong acceptable sa nangyari, I lost two important persons in my life, one was because of them, tapos tatanggapin ko nalang sila na para bang isang family kami?”

She's Not Ideally Ideal (Completed)Where stories live. Discover now