22- Fate

969 10 11
                                    

Saturday, 8am.

Maagang umalis ng bahay sina Mommy at Carla kaya hindi ko na sila naabutan, nagshopping nanaman siguro silang dalawa. Alam naman na ni mommy na may meeting sa school ng 2pm so I don’t have to remind her.

Did I tell you na mayroon kaming date today ni Angel? Yes! First ever kaya nga kinakabahan talaga ako.

Of course tinanong ko si Geni kung ano bang magandang gawin sa first date ninyo at syempre tinulungan naman nya akong magplano.

“Date? Ath early ath 9am? Lame!”

“eh wala akong choice, gusto nyang sumama sa mommy nya sa meeting, bawal naman sya ng Sunday kasi family day nila yun, it’s now or next Saturday, ayaw ko namang maghintay ng susunod pang sabado”

“ok. Ok. Chillakth lang! Hindi ako ang may thabi nun kundi thi Li. Naikwento ko kathi”

“oh. Wala naman atang sinasang-ayunan yung babaeng yun. Walang alam yun sa mga ganitong bagay”

“you’re wrong! Tha katunayan, tha kanya ko nga nakuha yung bright idea eh!”

“eh ano naman?”

“pakainin mo thya ng McDo breakfatht” napasimangot naman ako. Bright idea huh?

“oo nalang, Geni”

“tapoth na ba ako magkwento??” oh sabi ko nga hindi pa yun!

“alam ko namang tharcathim nya lang yun tho hinyaan ko lang thyang mag-ithip hanggang tha finally eh nagthalita na thya. Ehem!” tapos sinubukan naman nyang gayahin yung boses pati tono ni Li “Park’th peathful and therene every morning. Ethpethially that one bethide the lake” tumango naman sya with matching taas-taas ng kilay “what do you think?”

“I guess, it’s a good idea!”

“o thino naman ngayon ang walang alam tha mga ganitong bagay?”

“kfine. Sya na ang magaling”

…so that’s the plan for today! Magdadala lang ako ng snacks para makain namin, then we’ll have lunch somewhere.

*toot toot* *toot toot*

From: Carlota

Kuya, blue or red?

To: Carlota

Blue, why?

From: Carlota

Thanks! For a cup. Uulan e.

To: Carlota

YW. Nice joke!

From: Carlota

Too bad I wasn’t joking :P

Lumabas naman ako nun para tignan yung langit. OH MY HOLY CRAP!

Maulap nga. NOOOOOOOOOOOOOOO!

Tinatawagan ko naman nun si Geni pero tulog pa ata, kailangan ko ng plan B, bakit ba hindi ko naisip yun?

Hindi pa naman umuulan nung makarating kami ni Angel sa Park pero pareho kaming problematic na baka nga umulan at bigla nalang kaming mabasa. Tinatry ko pa ring icontact si Geni pero hindi ko pa rin sya mareach.

*KULOOOOOOG!*  *KULOOOOOOOOOOG!*

Nagkatinginan naman kami ni Angel. And in no time eh natawa naman kami sa itsura namin pareho.

She's Not Ideally Ideal (Completed)Where stories live. Discover now