Chapter 6: No Ordinary Nobody

Magsimula sa umpisa
                                    



Ngayon, naglalakad ako papunta sa garden. Tho hindi to yung pinupuntahan ko dito. Back then, meron akong tambayan dito kasama yung mga kasa kasama ko noon. Ngayon, pagmamay-ari na sya ni Stacey. Habang naglalakad ako, napahinto ako saglit at lumingon ng kaunti sa likuran ko.



Someone's following me. I can sense it.



***


Warren's POV


Guamagana na naman yung pagiging bossy ni Tyrone. Hay. Kaya eto palihim kong sinusundan si Vera. Saan ba sya papunta? Ah sa garden. Typical place sa mga outcast. Honestly, hindi maganda ang student body nitong university. Namumuno yung mga nakakataas. Gaya nila Stacey at kami nila Tyrone. Ka—shit! Natunugan nya atang sinusundan ko sya! Kaya bigla akong napatago sa gilid ng puno.



"Lumabas ka dyan." rinig kong sab niya.



Sabi na eh. Natunugan nya nga. "Hehe hi.." napakamot na lang ako sa batok ko. "Dito ka pala tumatambay?" pag-iiba ko ng usapan. Pero nakatingin pa din sya ng straight sa akin. May napansin lang ako, ang ganda nya pala kapag malapitan. 



"Bakit mo ako sinusundan?" she said in a cold tone.



"Huh? Hindi naman. Dito din ang daan ko." pagdadahilan ko.



"Daan saan? Wala ng ibang dadaanan dyan." Ibang klase sya. Paano nya alam na—"I've been here three years ago. Nag-aral ako dito at alam ko yung mga pasikot sikot dito. So hindi mo ako maloloko. Bakit mo ako sinusundan?"



"Huh? Nag-aral ka na dito?" hindi ko maiwasan itanong sa kanya. Siguro yun yung mga naririnig ko sa mga studyante na may bumalik daw. Pero di naman namin yun pinapansin eh.



"Wag mong iniiba ang usapan. Bakit mo ako sinusundan?" ang hirap magsinungaling sa kanya. Hindi talaga sya pangkaraniwang babae.



Bumuntong hininga ako at sinabi na sa kanya kung bakit ko siya sinusundan.


***


Vera's POV


Ano na naman problema nya at pinasundan pa nya ako dito sa kaibigan nya?


"You know what? You're honest pero hindi ka magaling sumunod sa isang tao na hindi nila nalalaman." I told him. 


BROWN EYED QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon