Jema
"You're such a brilliant girl Jessica, thank you...
Alam mo, naisip ko na eh.
Naisip kong baka ikaw ang maging sagot dito sa problema namin. I really thought you would give as another angle. But I didn't knew it would be this quick."
😅😅😅
"Grabe naman yun Dad, wala pa naman ho akong naitutulong. Nagkataon lang po na mahilig akong manood noon ng mga period drama. Naaaliw po kasi ako sa mga kuwentong ganun, sabwatan, lokohan, mga planadong galawan ng mga concubines para madethrone ang reyna, o kaya yung mga pagmimeeting ng mga ministro ng gabi sa labas ng palasyo."
😬😬😬
May silbi yata yung pagmumukmok ko noon nung bagong lipat kami sa Davao ah.
Yun kasi ang pinagkabusyhan ko dun nung ayokong maglalabas ng kuwarto.
"Take a look at this iha,"
Lumapit agad ako kay Dad.
Nasa shelf kasi ako ng mga records ng 1930-1940.
Si Deanna nasa 1940-1950. Ewan kung ginagawa ba niya ng maayos yung paghahanap. Di nagsasalita eh.
Si Tito ang nasa 1950-1960.
1956 - November 10.
Peter Lim Tiu - died on September 16
Sequestered:
5 Billion Pesos ( Banko de Tsina )
Azucarera de Vicencia ( 2.4 Billion )
( Bacolod, Negros Occidental)Wife: Doña Vicencia De Villa Tiu
Children:
Estrella Tiu Santos
Herminia Tiu Sepulchre
Genoveva Tiu Espinosa
500 Million was awarded to the widow.
100 Million each for the children.
Yun ang natandaan ko sa mga nabasa ko. Tapos nakalagay yung ibang mga detalye.
Kasama ang hacienda nila sa mga kinuha ng Colony dahil nasa loob yun ng sugar plantation.
Binigyan sila ng 100 hectare na lupa sa Negros Oriental.
"That is the last record ng natanggal sa Colony. We can start from here. Papahanap ko ang mga anak niya as soon as possible."
Nagpaalam na si Daddy. Matutulog na siya kasi aalis siya bukas ng maaga.
Tinatapos ko yung pagbasa ng records na hawak ko.
Who knows baka hindi yung angkan ni Peter Tiu ang may kagagawan nito.
"Bad trip!"
Nagulat ako sa sigaw ni Deanna.
"Ba't ka sumisigaw?!"
Nakakainis to!
Nasaan na nga ba ko?
![](https://img.wattpad.com/cover/208271920-288-k970685.jpg)