Chapter 5

4.4K 157 50
                                    

Deanna





Hindi na ulit kami nag-usap ni Daddy pagtapos ng araw na yun. Pero simula noon, nagpakabait na ko.

Paguwi ko nang araw na yun ay galit ang mukha ng mga tao sa akin. Lalo na yung asawa at mga anak nang namatay.

Pero inisip ko na lang yung sinabi ni Daddy: TIIS, PASENSYA.

Nangako siya na tutulungan niya ang pamilya ni Mang Tano. Galit sila sa akin ngayon pero balang araw ay magbabago naman ang buhay nila.














Ang bilis talaga ng panahon!

Gagraduate na ko ng elementary!

Di ko alam kung ano balak ni Daddy, kung saan ako mag-aaral ng high school, kung dito pa rin ba ko magaaral, pero alam ko naman na pinaplano niya ng maayos ang buhay ko.

Wala na masyadong ginagawa sa school. Nagpapraktis na lang kami ng pagmartsa at nagkukumpleto ng mga requirements.

Sa totoo lang naboboring na ko. Yung mga kaklase ko, laging nakaharap sa mga cellphone nila.

Ako eto, tahimik lang sa isang sulok. Ewan ko ba, pare-parehas kaming singkit pero mukha daw akong suplada.

Medyo malihim rin kasi ako. Alam ko naman  kasi na hindi normal ang buhay ko kaya ayoko din na natatanong ako ng mga kaklase ko. Lalo na pag tungkol sa pamilya ko.

Kaya pag may lumalapit s akin ay ako na ang lumalayo.

Alangan namang sabihin kong lider ng sindikato ang tatay ko diba. Edi nagsumbong yung mga yun sa magulang nila at nakick out pa ko.






"Deanna..."

Si Paula. Classmate ko.



"Bakit?"

Tanong ko sa kanya.

Iniistorbo yung pagmumuni-muni ko eh.

Hindi kami close nito. Kabilang kasi siya sa grupo ng mga bagyo.

Yung kung magkuwento ay laging may dagdag?

Pag nagkuwento ng presyo, lugar n pinuntahan at mga experience nila ay laging sobra.

Yung cellphone nila kasing mahal daw ng kotse, yung pagkain sa kinainan nila parang may ginto sa mahal.

Pag nagbabakasyon sila, eroplano pa lang grabe na makakuwento. Sa business class daw sila sumasakay. Tapos sa five star hotel daw sila nagcheck in.

Yung lugar na pinuntahan nila akala mo puro paraiso.

Nagutay-gutay ko na yung pagkatao niya sa isip ko pero di pa rin siya nagsasalita.





"Paula ano na? Magtititigan na lang ba tayo dito?"

Kainis naman to!



"Paul na lang itawag mo sakin."

🙄🙄🙄

Paul... ulul.



"Ano nga kailangan mo?"

Sabihin mo na bago ako mapikon!



"May problema kasi ako."

😶😶😶

Kailan pa ko nagkaroon ng pakielam sa problema mo?

Hindi ako nagsalita. Hindi ko siya pipiliting sabihin dahil ayokong marinig.





I Love And Hate YouWhere stories live. Discover now