Chapter 8

4.3K 164 32
                                    

Deanna 2/2








😅😅😅







"Puwedeng ulit Dad? From the top. O kaya i-short cut mo na lang. At wag niyo muna ulit banggitin yung last part."





Ang gulo na nga tapos biglang naging prinsesa pa ko.







"Hmmm... Noong unang panahon pa lang, naririto na sa Pilipinas ang mga Intsik o Chinese. Lingid sa kaalaman ng mga Pilipino, pinapatakbo na natin sila gamit ang pera. Simula nung 1983 People Power Edsa Revolution, kabilang ang mga Chinese sa namuhunan dito. Nagtayo ng mga negosyo, hanggang sa nakontrol na natin ang pera sa bansa.

Habang patuloy ang mga ordinaryong mamamayan sa normal na agos ng buhay nila, patuloy din tayo sa pagkontrol ng pera.

Lahat sila nakaasa sa atin anak. Hindi sila mabubuhay kung hindi dahil mga negosyong itinatayo natin dito."

😶😶😶

"Masamang tao nga tayo, Dad? Para rin tayong mga Espanyol noon. Sinakop din natin sila, yun nga lang hindi nila alam. Ganun ba? Pati ba ang drugs Dad kasama sa pinapatakbo natin?"

😫😫😫

Di ko yata kakayanin kung oo ang isasagot ni Dad.


"Alam mo anak, bata ka pa. Marami ka pang kailangang malaman. Hindi madaling mabuhay sa mundo. Hindi nahahati ang tao sa masama o mabuti, at lalong hindi nahahati ang desisyon sa tama o mali.

Lahat ng tao ay may masamang ugali at may kabaitan. Lahat puwedeng magpakabuti o magpakasama. Nasa tao na lang yun kung ano ang papairalin niya sa bawat sitwasyon ng buhay niya.

Sa tuwing gumigising ka, bawat segundo ng buhay mo ay  Nagdedesisyon ka, minsan kailangan mong gumawa ng mali para may maitama ka. Minsan naman kahit anong tama ang gawin mo, mali pa rin ang kinakalabasan.

Hindi tayo masamang tao anak. Nakita mo ba ang ginawa ng mga kastila dito? Ang mga Hapon? Amerikano? Narinig mo naman siguro sa history diba?

Iba tayo anak.

Tinatrato natin ng maayos ang mga tao dito. Pinapakasalan ang mga napupusuan natin. Pinapasahod ang mga empleyado. Patas tayo sa kanila.

Yung sa droga, pwedeng sabihin na kasalanan natin pero inabuso ng mga Pinoy?

Alam mo Deanna, panahon pa lang ni Lapu-lapu ay nagdadrugs na ang Pilipino. Gumamit sila ng opium para maging malakas sila. Kaya nga nagulat si Magellan at natalo eh.

Sabihin na lang natin na hindi tayo ang naginnovate nun pero siyempre, ginawa din natin yung negosyo.

Tao ang nagdedesisyon sa buhay nila, ang gamot na inimbento para mag-enjoy sa party, para lumakas at makatagal sa trabaho, para makagamot sa depresyon ay inabuso at ginawang bisyo.

Sad to say pero, kahit malungkot na negosyo ang droga, hindi natin puwedeng basta na lang yun bitawan. Hindi dahil sa perang hinahatid nun sa atin, kundi dahil isa 'yong 'negosyo'.

Pero kagaya ng ibang lahi, siyempre may mga hudas. Smuggling, drug trafficking, prostitution. That is the major problem we are facing.

Okay na ba tayo doon? Puwede na tayong bumalik sa pagiging prinsesa mo?"




Hindi pa din. Nalulungkot pa rin ako tungkol sa drugs.

Pero tama si Dad. Sa ibang araw ko na lang iisipin yun.






I Love And Hate YouWhere stories live. Discover now