Chapter 1

10.4K 178 36
                                    

Deanna







"Boss D, maghugas ka ng pinggan ha."

Sabi ni Ate Daisy.

Kapapanganak lang niya kaya ako lahat gumagawa ng gawaing bahay.

Sa totoo lang ako naman talaga halos ang kumikilos dito. Kasi taon-taon siyang nanganganak.

21 pa lang siya pero apat na ang anak niya.

Yung asawa niya ay minsan lang umuwi dito.

Sabi ng mga kapitbahay ay tauhan daw ng sindikato si Kuya Apeng.

At ang lider daw nila ay ang tatay ko.

Pero bakit ganon?

Lider nila ang tatay ko pero wala silang sinasabi tungkol sa kanya.

Sa mga araw na nandito si Kuya Apeng, napakabait sa akin ni Ate Daisy.

Hindi niya ko pinapakilos sa bahay.

Tapos pag nakaalis ulit si Kuya ay back to normal na.

Bawal ako magsumbong. Sasaktan daw niya ko.

Pero never niya ginawa sa akin. Alam ko na ngayon na charot kang yun.

Kahit nung nahulog ko sa duyan ang anak niya, nabagok ang ulo sa sahig, at dinala sa ospital ay di niya ko sinaktan.

Yun nga lang hiphop siya.

Panay ang flip top pag di ko sinunod ang gusto niya.

Kaya ayun, lahat ng gawain ako, taga-igib ng tubig, taga-luto, taga-saing, taga-laba at tagalinis ng bahay.


5 years old ang panganay nila. Lalake.

Halos ako ang nagpalaki sa batang to kasi bumubungad pa lang siya sa puwerta ng nanay niya ay nakita ko na siya.

Sa bahay lang kasi nanganak noon si Ate Daisy. Hindi pa nga nakabayad agad kay Aling Tasing kasi wala noon si Kuya Apeng.

15 anyos pa lang siya nung pinanganak niya si Eng.

Erik ang pangalan niya pero Eng ang palayaw na binigay ko sa kanya.

Hanggang sa sumunod-sunod ang panganganak ni Ate Daisy.

Sulit na sulit ang dalawang beses isang buwan na dalaw ni Kuya Apeng.

Lagi kami pinapalabas.

Tapos sa gabi ganun din naman.

Dinig na dinig ko yung parang kinukusot na basahan at ungol niya na di niya mapigilan.

Buti na lang nakahiwalay ang tinutulugan ko sa kanila.

Tapos kamusta naman yung sahig namin na gawa sa mga scrap na kahoy. Siyempre parang lumilindol.







Dose anyos na ako ngayon.

Ang natatandaan ko lang na pinakaluma kong alaala ay nung alaga ako ng nanay ni Kuya Apeng. Tapos namatay siya. Di ko nakitang inilibing pero sabi ni kuya ganun daw ang nangyari.

Kaya dinala niya ako sa syota niya pa lang noon na si Ate Daisy.

Malaki ang agwat ng edad nila. Siyam na taon yata.

Dito sa iskwater ng Tondo kami nakatira.

Masikip, mainit, mahirap ang tubig, at jumper ang kuryente.

Ganito ang buhay namin dito.

Pero may kaibahan kami sa mga tao dito.

Di namin problema ang pera.

I Love And Hate YouWhere stories live. Discover now