[ 21 ] The Result

Magsimula sa umpisa
                                    

"So the two of you came together, huh? Akala ko busy si Terrence kaya hindi siya makakasama. Thank you for bringing him here with you, Shane."

"It’s really nothing. Here, I brought some wine," sagot ni Shane.

Iniabot ni Shane kay Mika ang wine at tinignan lang muna ‘yon ni Mika.

"Oh, what should I do? I also brought some wine. I guess we will be drinking a lot tonight. Let's go inside."

Sa huli ay kinuha din ni Mika ang wine at pumasok na sila sa loob.

"Do you want anything?" tanong ni Mika.

"No, thanks. We’re good," sagot ni Terrence.

"Okay, I’ll be back. Pupuntahan ko lang si Gab."

Pinuntahan ni Mika si Gab sa kwarto nito at dahil bukas ang pinto ay diretso siyang pumasok sa kwarto nito. Nakita niya si Gab na hindi pa nakabihis at nakadapa sa kama. Parang pagod na pagod ito at gustong matulog dahil nakapikit ito.

"Babe, c’mon! Get up! Shane and Terrence are here."

"Mamaya na," sagot ni Gab habang nakapikit.

"I know youre tired but please? Babe?"

Nilalambing ni Mika si Gab dahil baka makuha niya ito sa charm niya.

"Oo na, babangon na ako."

Humiga ng maayos si Gab. Hinihila siya ni Mika para mapaupo pero siya ang nahila ni Gab papahiga. Nang mapahiga si Mika sa kama ay saka umupo si Gab. Tinulungan siya ni Gab na makaupo at diretso niyang niyakap si Gab.

"Gab?"

"Oh?"

"I know it’s hard for you but please-- at least for me, try to hide everything. Don't show them your weaknesses. I know you miss her but--"

"Ssh. Alam ko na ang gagawin ko. I know what you want, babe."

"Thanks, babe. Dress up and let’s go down together. I'll wait for you here."

"Sige."

Hinintay niya na matapos magbihis si Gab at sabay silang pumunta sa sala. Hindi rin nagtagal at dumating na doon sina KL, Aine, Steven at Spencer. Ang saya ni Mika dahil lahat ng inimbita niya ay nakapunta. Hindi niya na din naisipan pang imbitahin si Risa at si Vince dahil makakagulo lang sila.

"We’re all here. Let's eat!" pagyayaya ni Mika.

Pumunta sila sa hapag-kainan. Hindi maiwasan ng lahat na tignan at titigan si Shane. Hindi sila makapaniwala na kamukha nito si Jin. Pilit na pinagmamasdan lalo na nina Steven at Spencer si Shane dahil curious din sila tungkol dito lalo na ngayon at nakita nila ito.

"Why don’t you introduce her to them? They don't know her yet," sabi ni Mika kay Terrence.

"Well, yes. Steven, Spencer, Aine, I’d like you to meet my girlfriend, Shane. Shane, this is Spencer, Steven and Aine. They're Gab's friends," pagpapakilala ni Terrence.

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon