[ 46 ] Minor Accident

35.9K 503 51
                                    

Chapter 46: Minor Accident

"Come on, pick up the phone!" inis na inis na sabi ni Jin.

Kanina niya pa tinatawagan si Marc pero hindi ito sumasagot. Saglit na lang at alam niyang dadating na si Gab sa tinitirhan niya para sunduin siya.

'Of all people, why does it have to be me who will accompany him?! The scene from yesterday made it even worse!'

Kanina pa siya nag-iisip kung ano ba ang dapat niyang gawin. Alam niya na posibleng hindi maganda ang mangyari ngayon dahil sa nangyaring pagtatalo nila kahapon ni Gab. Alam niyang nagalit ito kaya natatakot siya sa posibleng gawin ni Gab sa kanya lalo na at boss niya ito. Alam niya na si Marc lang ang makakatulong sa kanya dahil si Marc din ang may dahilan kung bakit nagalit si Gab.

"Marc! Finally, sinagot mo din."

"Sino ka ba?"

"Hindi mo ako kilala?! Ako ‘to, si Jin."

"Oh, bakit ka napatawag? Kakagising ko lang."

"Ano’ng gagawin ko ngayon, Marc? May lakad kami ni Gab. Three days and two nights ‘yon at kami lang dalawa doon. Maya maya susunduin niya na din ako dito."

"Magpabuntis ka para balikan ka niya."

"'Yong matinong sagot naman, oh? Namomorblema na ako dito tapos nagawa mo pang magbiro  diyan. Akala ko ba tutulungan mo ako?"

"Ituloy lang ang advice ko sa 'yo. Pagseselosin pa din natin siya. Tatawag ako sa 'yo mamaya pag magkasama na kayo. Ge, mamaya ulit. Bye, Jin."

"Teka--"

Bigla siyang binabaan ng phone ni Marc. Nang oras din na ‘yon ay may narinig siyang busina ng sasakyan at alam niya na si Gab na iyon. Huminga siya ng malalim at naglakad palabas.

'Kaya ko 'to. Aarte lang ako na parang walang nangyari,' sabi niya sa sarili niya.

Binuksan niya ang gate ng bahay at binuhat ang bag na dala niya. Nasa labas na ng sasakyan si Gab at kukunin sana ang dala niya pero hindi niya ito ibinigay. Siya mismo ang nagdala ng gamit niya papunta sa backseat ng sasakyan at doon din siya umupo.

"Hindi pa ba tayo aalis, Sir? Malelate tayo kapag bigla tayong na-traffic," sabi ni Jin.

"Lumipat ka dito sa harap. Mukha akong driver mo."

"Sorry po."

Agad na lumipat si Jin ng pwesto. Ayaw niya pa sanang gawin iyon dahil pinipilit niya na iwasan si Gab. Thirty minutes pa lang sila sa byahe ay may natanggap na na tawag si Jin. Napangiti siya nang makita ang pangalan ni Marc.

"Hi, Marc! Good morning!" masiglang bati niya dito.

"Maging sweet ka lang sa 'kin, naiintindihan mo?"

"Okay, mag-iingat ako doon. Thank you, Marc! Kumain ka na ba?"

"Natatawa ako sayo, Jin. Mukha kang ewan dyan."

"Nakakatuwa--"

Bigla na lang pumreno ang sasakyan at muntik na masubsob si Jin. Buti na lang at nagsuot siya ng seatbelt.

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon