[ 26.2 ] So In Love

46K 555 47
                                    

Chapter 26.2: So In Love

"Ji-- I mean Shane, ano’ng ibig mong sabihin?"

Umiwas ng tingin sa kanya si Jin at napansin ni Gab na may malalim itong iniisip pero hinayaan lang siya ni Gab at saka nito hinintay ang sagot niya.

"Naaalala na kita kahit papano. I might not remember everything but I know that you became a big part of my life. I can only remember a few things but not every detail."

Sa sobrang tuwa ni Gab ay niyakap niya si Jin pero tinulak siya nito. Hindi siya bumibitaw sa pagkakayakap dito.

"Let me hug you just for a while."

Hindi na pumalag pa si Jin at hinayaan niya na lang si Gab. Hindi niya alam kung ano ba dapat ang maramdaman sa mga ginawa ni Gab para sa kanya.

‘She still has a soft spot in her heart. Alam ko na nabago lang siya ng panahon at babalik din ang Jin na nakilala namin.’

Nang pakawalan niya si Jin ay hindi mawala ang ngiti niya. Naramdaman niya ang malakas na pagtibok ng puso ni Jin habang yakap niya ito. Idagdag pa doon na may naaalala na ito tungkol sa kanya kahit papano.

"Masaya ako na may naaalala ka na tungkol sa 'kin. Hindi na kita pipilitin na maalala ang lahat. Naisip ko na imbis na ipaalala ko pa sa 'yo, gagawa na lang ako ng bagong memories na kasama mo ako. Masyadong masakit ang mga pinagdaanan mo noon kaya maganda na din siguro na hindi mo na maalala pa. Sana hayaan mo ako na gawin 'yon, Shane. Please give me a chance."

"I-I'm speechless. I don’t know what to say. O-okay, I'll give you a chance."

"Thank you, Shane."

"Can you treat me just like how you treated me before?"

"Hindi ko pwedeng gawin 'yon."

"But why? I mean, I’m still Jin right? So--"

"I’ve changed, Shane. Binago na din ako ng panahon kagaya mo."

"You changed in what way?"

"Let's eat, first. Mamaya na natin 'yan pag-usapan."

"Okay."

Pinaupo ni Gab si Jin sa harap ng kainan kung saan nakahanda na ang mga niluto niya. Nagluto siya ng steak at ng lasagna na paborito ni Jin. Umupo din naman si Gab sa harap niya at nagtataka siya kung bakit tinitignan lang ni Jin ang pagkain.

"May problema ba?" tanong sa kanya ni Gab.

"Do I have to eat everything? I really don't eat that much. The steak will do."

"Hindi mo kailangan ubusin pero nasa sa 'yo 'yon. Paborito mo kasi ang lasagna kaya nagluto na din ako nyan."

"I did? Well, I really did change. I rarely eat lasagna now but I'll try this one later."

Tahimik lang silang dalawa kumain. Hindi nagsasalita si Gab at hinihintay niya lang na unang magtanong si Jin sa kanya.

"So, what kind of girlfriend am I to you? How do I treat you?"

"Sobrang sweet mo at maalaga ka din."

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon