Special Chapter 2: Honeymoon

41.1K 463 70
                                    

Game of Love book 1 is now available nationwide. Grab your copy now for only 99.75 pesos! :)

Pinagiisipan ko talaga kung gagawin 'tong private or public pero sa huli, nakapublic pa din siya para sa mga readers. Hindi po kasi masyadong pangbata. Sana ay magustuhan niyo.

Credits to: FrustratedGirlWriter

Thank you sa help sa paggawa ng update na to :)

Read her works! Magaling siyang author. She's my co-writer in LIB. :)

-----

Special Chapter 2: Honeymoon

Natapos na ang reception ng kasal nina Jin at Gab. Mahabang araw man iyon para sa kanilang dalawa pero tila ba balewala lang ang pagod sa kasayahan na nararamdaman nila ngayon. Kasal na sila. Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan nila ay sa simabahan pa din ang bagsak nila.

Buhat buhat ni Gab si Jin papunta sa kwarto nilang dalawa sa hotel na 'yon. Nahihiya man si Jin sa ginagawa ng asawa, alam niya na parte iyon ng ginagawa ng mga bagong kasal.

Pagkapasok nila sa kwarto ay umupo muna sila sa kama at humiga si Jin. Alam niya na hindi pa tapos ang araw na 'yon para sa kanilang dalawa. Humiga na din si Gab at tinukod niya ang braso niya para makita si Jin. Nakapikit ito at halata na pagod pero hindi pa din nawawala ang ngiti sa mga labi nito.

"Napagod ka ba, hon?" tanong sa kanya ni Gab.

"Sakto lang. Napawi pa din ng kasiyahan ang lahat ng pagod ko. I'm happy that I'm now officially your wife, Gab."

"My lovely wife, Jin," pagtatama nito sa sinabe ng asawa.

Umupo si Gab at hinila si Jin papaupo. Isinabit ni Gab ang buhok ni Jin na nakaharang sa mukha niya sa tainga nito.

"You're beautiful, really beautiful. I will never get tired of seeing you for the rest of my life."

Napangiti si Jin sa sinabe ng asawa. Kumapit siya sa balikat nito at hindi inaasahan ni Gab ang sunod na ginawa ni Jin. She sat on his lap, facing him.

"I love you, Gab."

Hinawakan ni Gab ang mukha ni Jin gamit ang isang kamay niya at nakasuporta naman sa likod nito ang isa niya pang kamay. Dahan dahan niyang inilapit ang mukha sa asawa at hinalikan ito.

He tenderly kissed her wife. Slowly and loving like it's their first time. His kiss was full of love. 

Ngayon ay hindi niya na kailangan pang magmadali dahil marami na siyang oras para makasama ang babae na pinakamamahal niya.

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon