[ 33 ] Batman

43.6K 487 59
                                    

Chapter 33: The Memories Came Back

Hindi inaasahan ni Gab ang biglaang pagkaalala niya sa lalaki na nasa harap niya ngayon. Para sa kanya, ito ang lalaking sumira hindi lamang ng buhay niya kundi pati ang kung anong mayroon sila ni Jin noon. Kung hindi dahil sa lalaking iyon, siguro ay masaya pa din sila na nagsasama ngayon ni Jin. Hindi niya napigilan ang galit niya at unti unting sumara ang mga kamao niya at agad niyang sinugod si Terrence. Bago pa man niya tuluyang masaktan si Terrence, may mga nurse na umawat sa kanya.

"Bakit ka nandito?!" galit na galit na tanong sa kanya ni Gab

"Gab"

"Wag na wag mong babanggitin ang pangalan ko na parang wala kang ginawang masama samin ni Jin!"

"So your memory came back?"

"Siguro pinagdadasal mo na hindi na bumalik ano?!"

"I'm curious that's why I came"

"Ikaw ang sumira ng buhay namin ni Jin!"

"Ano naman ngayon? Malapit na kami umalis dito at magpapakasal na kami"

"Hinding hindi ako papayag na mangyari yun!"

Pinilit niya na magpumiglas pero hindi niya kinaya ang dalawang nurse na may hawak sa kanya. Agad din na dumating ang doktor at sinuotan siya ng hospital gown kung saan maitatali ang dalawang kamay niya upang hindi na siya makapagwala.

"Doctor, please take care of Gab"

Agad na umalis sa kwarto na iyon si Terrence at kinausap ang doktor na wag hayaang makaalis sa mental hospital na iyon si Gab at ipinagbilin din nito na walang dapat makaalam na nasa mental hospital na iyon si Gab. Ikinulong naman kaagad si Gab sa isang kwarto. Pinilit niya na lumabas doon pero wala siyang magawa.

Sa ilang oras na magisa si Gab at nakaupo sa isang sulok sa kwarto na iyon, unti unti niyang naalala kung sino siya. Kung ano ang mga nangyari sa buhay niya at kung sino ang pamilya niya. Tama nga ang sinabe sa kanya ni Jin noon. Na maaaring ssa isang linggo ay bumalik na kaagad ang alaala niya.

'Kailangan kong makalabas dito. Kailangan ako ni Jin. Hindi siya pwedeng umalis dito' sabi niya sa sarili niya

Napansin niya na may nagbukas ng pinto pero hindi niya ito kaagad pinansin.

"Kung magtitino ka na, pwede ka na namin ibalik sa dati mong kwarto o kung hindi man, pwede ka din magtagal ng isa pang araw dito" sabi ng nurse

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon